Chapter - 15

7.3K 222 68
                                    

" Diyan yung bahay ni sister ana di ba frend?"

" Oo....hindi pa pala siya gawa sa panahong ito."

" Kelan kaya iyon itinayo?"

" Hindi ko alam....pero ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang si lola socorro ng makita tayo....dahil ang batang si socorro ay si lola socorro sa future."

Hindi namalayan ng dalawa na tumabi pala sa kanila ang batang si socorro.

" Sino si  lola socorro? Ako ba tinutukoy nyo ate, kuya?"

" Huwaaaahhhh! Ano ka bang bata bigla ka na lang sumusulpot?!" Tili ni Theo. Kaya napatingin sa kanila ang lahat na naroon samantalang tatawa-tawa lang si Francisco

Agad hinablot ni Almira si Theo dahil nakakunot-noong natigilan ang batang si Socorro. Papalapit naman sa kanila ang pamilya nito.

" Bakla bahala kang lusutan ito. Tignan mo lahat ng mata nasa sayo. Makatili ka naman kasi wagas!"

" Eh sa nagulat ako! Ano ba naman kasing kutong lupang iyan at parang kabute susulpot na lang bigla."

" May problema ba Theo?" Tanong ni mang esteban.

" Ah....eh wala po....nagulat lang po kasi ako."

" Isa kang ginoo....hindi kaaya-ayang marinig na tumili ang isang tulad mo."

" Paumanhin po."

" Bueno tayo na sa loob ng bahay ng aking mga magulang. Naghihintay na ang aking ina."

" Sige po....at kami ay susunod na lang ng aking kasamang binibini." Sagot ni Theo, samantalang tumakbo naman na ang batang si socorro sa isang matanda na nasa may trangkahang kahoy at yakap na nito ang batang si Lucio. Katabi ng matanda ang isang dalaga na may hawak na lampara para mailawan ang pagdating ng mga bisita.

" Lola, lola!" Sigaw ni socorro.

" Susmaryosep! Dakulaon ka na nini! Kagayon na aki!" ( Susmaryosep! Ang laki mo na nene! Ang gandang bata!)

" Diosmarhay na banggi tabi mamay!" ( Magandang gabi po mama!) Pagbati ni Aling trinidad at mang esteban.

" Diosmarhay na banggi man saindo! Dagos na ta banggi na! Dai man barang kamu naunabi na mauli kamu." ( Magandang gabi din! Tuloy na kayo sa loob at gabi na! Wala man lang kayong pasabi na uuwi kayo.)

" Pasensya na mamay! Napagdesisyunan naming mag-asawa na umuwi na lang dito sa probinsiya sa pangambang lalala ang giyera. May mga eroplano na pong hapon na kaming nakita sa maynila at kanina lang sa legazpi bagamat wala pang mga hukbong sundalong hapon."

" Kung gayon....totoo talaga ang mga balita sa radyo kahapon at kanina?! Susmaryosep nagkatotoo na nga ang pangamba ng mga tao ng mga nakaraang buwan dahil sa giyera sa Europa ay baka madamay na tayo dito sa asya at ito na nga sa Pilipinas na at mga hapon pasimuno. Susmaryosep dali pumasok na kayo sa loob!"

Agad namang pumasok na sa loob ng bahay ang lahat. Ang mga gamit naman ng mag-anak ay isa-isa ng ipinasok ni mang esteban, katulong ang dalawang kutsero. Nag-aalangan naman si Theo.at Almira kung papasok na din bitbit ang mga gamit nila. Kaya napalingon ang ina ni mang esteban.

" Sila ba ay mga kasama nyo anak?" Tanong nito kay aling trinidad.

" Ay....oo nga po pala...kasama namin sila."

" Kung ganun....pasok....pasok na kayo sa loob....marhay na banggi."

" Salamat po....marhay na banggi din po." Tugon ng magkaibigan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon