Nang maitatag ang pamahalaang komonwelt sa ating bansa noong 1935 ay ibinigay na sa atin ng mga Amerikano ang pamamahala sa ating gobyerno ngunit may patnubay pa rin sa kanila sa loob ng sampung taon. Tanging sandatahang lakas ng ating bansa ang nanatiling hawak ng mga Amerikano. Nanghikayat sila ng mga Pilipinong mga lalaki na edad 21-35 na umanib sa hukbong tanggulan ng ating bansa.
Kaya ng sakupin tayo ng mga hapon noong 1941 ay hindi pa gaanong katatag ang ating hukbo. Hindi ito kasing dami at makabago tulad ng bansang Japan na sumakop sa atin.
------------------------------------------------------" Ok na ako Theo. Salamat ulit. Walang kaso sa akin kung binabae ka."
" Salamat papa Juls.....sige pagaling at pahinga ka muna diyan. May mga pag-uusapan pa kasi kami sa taas. Si Frend na muna bahala sayo ha."
" Salamat."
" Ikaw din Frend....huwag kang talandi diyan alam kong ginagawa mo...pakiyems ka pa diyan...pag ikaw naputukan ng vintage bomb diyan ni Papa Juls ewan ko lang!" Sabay takbo ni Theo sa hagdan na nakangisi. Agad kong hinablot ang walis na nasa gilid ko at ibinato ko sa kanya. Ngunit nakaakyat na agad ito at bumelat pa sa akin.
.
.
.
.
Dumaan ang maghapon na payapa naman....nanatili si Julian sa sikretong kuwarto ng mga Madronio. Ibinalita din ni Francisco na asong ligaw ang pinagusapang pumatay sa kambing kung kaya may mga dugo sa paligid. Nakapagpahinga ng maayos si Julian at nagawa ni Mang Antonio na makausap muli ang katiwala ng pamilya nina Julian.Nilinis ni Theo sugat ni Julian at tila palagay naman si Julian sa pakitungo dito. Nangingiti na lang ito sa mga biro ng kaibigan ko. Pinagtulungan din naming punasan ang katawan niya at palitan ng panibagong damit. Hiyang-hiyang siya sa akin sa pakiramdam ko dahil pilit niyang sinasabi na kaya niya. Dinadakdakan naman siya ng kaibigan ko na hayaan na lang kaming dalawa, kung hindi ko pa alam para-paraan lang ito na makikita sa mga ngiti niya sa akin.
Sa hapunan ay tumulong ako kay lola conchita at sa isang ale doon sa pagluluto. Sinabi ni mang Esteban na darating ang katiwala nina Julian sa oras na hindi na gaanong kadami ang nagpapatrulyang mga hapon. Naglalakad, nakasakay sa parang jeep na owner at ang iba ay naka bisikleta pa.
Katulad ng nagdaang gabi alas sais pa lang ay latag na ang kadiliman sa kapaligiran. Panaka-nakay may makikitang dumadaan sa kalsada na mga tao na may hawak na gasera o lampara. May ilang hapones na naglalakad at niyuyukuan ng mga taong nasasalubong nila ang iba namang mamamayan doon ay makikitang hila ang mga kalabaw nila marahil galing sa lupaing sinaka sa maghapon at pauwi na. Meron din mga galing sa laot at dala ang mga lambat o mga gamit nila sa pangingisda. Walang makikitang bata na naglalaro sa kalsada sa oras na iyon. Marahil ipinagbawal ng mga magulang na lumabas pa sa oras na yaon. Tahimik lang kami ni Theo sa balkonahe ng bahay. Hindi kami naglagay ng gasera o lampara para madilim ang bahaging kinauupuan namin na nakaharap sa kalsada para hindi mapansin ng mga dumaraan.
" Alam mo....kung tutuusin ang tahimik pa ng bayang ito sa totoo lang...nariyan lang ang panganib na sa anumang oras at hindi inaasahan ay maaring mangyari." Mahinang pagkasabi ko kay Theo at baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Wala si Mang Esteban at lando na naroon pa sa bahay ni mang antonio.Nakaluto na rin at nagkukuwentuhan sa loob si francisco at lola niya na mukhang nagkakatuwaan.
" Tama ka frend.....nakokonsyensya ako na hindi natin masabi sa kanila ang magiging kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga hapones sa loob ng tatlong taon na pananakop nila sa bansa natin."
" Pareho lang tayo bakla....kaso kung sabihin man natin sa kanila mga nalalaman natin sa war na ito at ang tunay nating katauhan at pinanggalingan ay baka tuluyan na tayong manatili dito at hindi makabalik sa future, ang masaklap pa kung mamatay tayo dito."
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...