Chapter - 20

6K 190 31
                                    

" Alam mo frend kaya bestfriend tayo kasi pareho tayong baliw....kaasar ka nagda drama ako sasagutin mo akong ganun. But wait nasaan na ba yung cp ko at ng makapag selfie tayo sa panahong ito."

Agad kinuha ni Theo ang cp niya sa bag at ini-on.

" Hayan may batt pa frend...pero wala talagang signal! Selfie na tayo."

Natawa na lang ang magkaibigan sa kalokohan nila pansamantalang hindi muna inisip ang pangamba sa alalahaning may digmaan.

Hatinggabi na ng magpasyang matulog ang dalawa. Agad na nakatulog si Theo samantalang gising ang diwa ni Almira. Muli siyang bumangon at tinungo ang bintana.

Almira's POV

May kinalaman kaya sa buhay namin sa kasalukuyan ang nangyaring ito sa amin?....alam ko na mahirap paniwalaan. Sinong maniniwala na galing kami sa hinaharap? Maari pa kaming mapagkamalang nasisiraan ng bait ni Theo. Pero paano... Kelan....at saan kami makakahanap ng kasagutan sa nangyaring ito. Paano, kelan at saan kami makakabalik sa panahon namin?.....Sana lahat ng aming magawa o desisyon sa panahong ito ay hindi makaapekto sa mga tao sa panahong ito at sa aming buhay sa hinaharap. Lord gabayan mo na lang kami sa mga maaring pagdaanan namin sa panahong ito. Sana po....hindi man kami makabalik sa hinaharap ay malagpasan namin ang idudulot ng digmaang ito sa buhay namin.
.
.
.
.
Nagising si Amira sa mahina ngunit sunod-sunod na pagkatok ni Maria sa pintuan ng silid. Pagtingin niya sa relos ay alas kuwatro ng madaling araw. Naalimpungatan na rin si Theo na agad na ring bumangon.

Paglabas ng silid ay agad na silang magkasunod na nagtungo ng cr. Nagising na rin ang mga bata. At kasalukuyang naghahanda ng almusal si aling trinidad at maria. May mga basket din at bayong na nakita ng magkaibigan na nilagyan ni aling trinidad ng mga pagkaing nakabalot sa dahon ng saging. Ang iba naman ay nasa mga tila mga lagayan ng pagkain na may takip. Inilalagay ito ni Maria sa mga bayong. May tubig din sa mga galon na nakikitang isinasakay ni Francisco sa kalesa na nakahimpil sa tapat ng bahay.

Makikitang naroon ang dalawang kalesa at paragos na may gulong at kabayo ang ginawang tagahila dahil mas mabilis ito sa kalabaw.  May dumating pang paragos at kalesa at humimpil sa tapat at nakitang lulan na nito ang pamilya ng panganay na anak ni lola conchita. Bumaba ang mga ito para tumuloy muna sa loob. Kinausap din ni lola conchita na masayang sasamahan siya ng apong si lando at isang katiwalang babae na nasa mga kuwarenta na ang edad. Isa itong ina ng trabahador sa lupain ng kanyang kapatid na si lolo agusto.

" They are now all prepared frend.....nakakatuwang isipin na part tayo now sa history ng pamilyang ito."

" Wala naman tayong magagawa eh.....nandito tayo kaya enjoy na lang."

" Enjoy ka diyan! Hindi ka ba natatakot o kinakabahan?"

" Ito ang panahon na matatakot ka sa magaganap.....pero ito din ang panahon na magkakaroon ka ng feelings na lumaban ayon sa mga nabasa ko. Sabi nga....sisibol sa puso mo ang pagiging isang matapang lalo na kung saan niyurakan na ang iyong dangal, inapi at inalisan ng karapatang mabuhay na payapa sa sarili mong bayan!"

" Grabe frend! Is that you?! Yung mga words mo mala warrior na warrior ah! Gusto mo bigyan kita ng jacket tapos sundang( itak)? Tapos nakasakay ka sa kabayo?!"

" Buang!"

Alas sais kung saan nagliliwanag na ang paligid ay maayos ng nakasakay ang lahat. Magkakasunod lang ang sasakyang kalesa, paragos ng mga pamilya ni lola conchita na inihatid niya sa labas ng bakuran sa gagawing paglalakbay ng mga ito. Nagkaiyakan pa ang magkakapamilya na niyakap si lola conchita.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon