Chapter - 35

5.5K 156 21
                                    

" Oishī ippin! ( Masarap ang ulam na ito!)" Nakangiting sabi ni Heneral Sanzumaru.

" Ano daw?" Tanong ni Lola Conchita.

" Masarap daw ang ulam na luto ninyo lola."

" Akala ko masakit ipin nya....naintindihan ko kasi ippin na sabi lang niya."

Napangiti na lang kami. Walang chopstick kaya kutsara gamit ni Sanzumaru. Nakita niyang nagkakamay kami kaya gumaya na ito sa amin. Sa usapan ay nagkapalagayan na si lola at sanzumaru. Maging si Francisco at lando ay kinausap nito at tinulungan namin para magkaintindihan sila. Wala ng oras na iyon si Mang Antonio at Esteban.

Hanggang sa nagpaalam na ito para bumalik sa Garrison nila. Pag alis ng sinasakyan ay siya namang pagdating ni Mang Antonio at Esteban na kanina pa pala naroon sa di kalayuan. Hindi sila makalapit dahil minatyagan pala nila kung ano ang ginagawa ng mga hapones sa bahay nila.
.
.
.

Habang kumakain ng tanghalian ang magkapatid na si mang antonio at esteban ay ipinaliwanag at ikinuwento ng magkaibigan ang nangyari  na siya namang naunawaan ng dalawa. Nangako man na hindi nila ipagsasabi sa iba ang katauhan ng Heneral na si Sanzumaru ay sinabi na nila ito dahil pamilya na ang turing nila sa pamilyang Madronio.

Nagbalita na din si Mang Antonio at Mang Esteban na wala na ang Pamilya Estuye sa tahanan ng mga ito.

Almira's POV

Nabigla ako sa narinig....natakot na baka pinatay na ng mga hapones ang pamilya ng dating Alkalde.

" My God naman! Ano pong nangyari sa pamilya ng dating Alkalde?! Si Delfin nasaan na siya!" Tanong ng exag ko na namang kaibigan.

" Huwag kayong maingay....lalo na kayong dalawang magkaibigan! May mga nakausap na akong mga tao na tumulong at nakaalam sa ginawang pagtakas ng pamilya ng alkalde. Nasa isang lugar na daw ang mga ito na ligtas. Kasama ang ilang pamilya ng taong tagarito at ibang bayan. May balita din na may ilang nakaligtas na sundalo ang palihim na nakipagkita sa pamilya nila dito at sa ibang bayan. Yung ibinigay ni Julian na pangalan ng ilang kasamahan niya ay kumpirmadong may mga buhay at may mga namatay na rin." Paliwanag ni Mang Antonio sa aming lahat.

" Paano nyo po nalaman na buhay pa ang ibang kasamahan ni Julian?" Tanong kong muli.

" May mga inutusan akong mga mapagkakatiwalang mga tao. Yung iba ay sugatang tulad ni Julian....itinago ng mga kapamilya o kakilala para magpagaling."

" Paanong hindi natin nalaman na wala na pala ang pamilya ng alkalde sa bahay nila?!" Kinakabahang tanong ni lola conchita.

" Mamay....marahil itinago ng opisyal ng mga hapones ang bagay na ito. Sinabi nyo nga na mukhang mabait yung Sanzumaru ayaw niya sigurong lumaki ang galit ng mga tao sa kanila kung malaman ng mga tao na nawawala ang pamilya ng dating alkalde. Iisipin ng mga tao na pinatay na ng mga hapones ang mga ito dahil ayaw ng alkalde na magpasa ilalim sa pamumuno nila. Kaya ang Don Honrado na yun sinamantala ang pagkakataon!"

Sa mga salaysay ni Mang Antonio at Esteban ay may naunawaan ko na ang lahat na nangyayari. Naganap ang pagtakas ng pamilya ng alkalde sa bisperas ng pasko. May mga ilang mamamayan ang naghanda at nagdala ng pagkain at alak sa garrison. Pinagsaluhan ang mga ito ng mga sundalong naroon. Hindi nila alam pakana iyon ng dating alkalde na nakakausap pa rin ang ilang katiwala nila na maski bantay sarado sa mga guwardiyang hapones sa tahanan ng mga Estuye ay napaglalanganan din nila ang mga ito. Nang gabing ding iyo ay dinalhan din nila ang mga bantay ng mga pagkain at alak na matapang. Tuwang-tuwa ang mga guwardiya dahil sa pagkain at alak. Sinamantala iyon ng pamilya na naghahanda na sa pagtakas sa likod ng mansyon sila dumaan sa tulong ng ilang tao ayon sa kuwento nila.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon