Iika-ikang tumayo si Sanzumaru na dumungaw mula sa taas. Muling pinaputukan ang tila wala ng buhay na katawan ni Satoshi.
Ang baul na puno ng kayamanan ay muling ipinasok ni Sanzumaru sa loob ng silid. Binuhusan ito ng gaas na nasa lampara at sinunog. Kaya tuluyang nag apoy na ang buong munisipyo. Ika-ikang bumaba si Sanzumaru na wala ng nagawa kundi ang lumaban sa barilan sa kapwa hapones. Patuloy na nakipagbarilan pa rin ang mga gerilya. Makikita na rin ang mga ilang patay na nagkalat sa panig ng mga gerilya at hapones.
Kinabahan si Sanzumaru...agad niyang hinanap si Almira at Theo pati ang iba niyang kasamahan. Agad niyang nakita ang mga ito na nakakubli kasama si Maria na patuloy na nakikipagbarilan. Nang tumakbo sa kinukublihan ang tatlo ay tumayo na din si Sanzumaru....ngunit nakita niyang nakatayo na sa gilid ng barikada ang duguang si Satoshi at itinutok ang baril na hawak nito sa nahuhuling si Almira sa pagtakbo. Mabilis na tumakbo si Sanzumaru na tila lahat ng kanyang lakas ay ginamit na niya. Sunod-sunod na putok at nakitang iniharang ni Sanzumaru ang kanyang katawan sa dalaga. Agad namang tumilapon na si Satoshi sa mga tama sa katawan nito at dahil na rin sa pagsabog malapit sa kanya kaya hindi na maaring mabuhay ito.
Tumumbang patalikod si Sanzumaru.
Napalingon si Almira....doon ay nakita niyang nakahandusay ang isang katawan na hindi niya inasahang magliligtas sa kanya. Isang malakas na sigaw mula sa dalaga dahilan para mapalingon din si Maria at Theo.
" HENERALLLLLLLL!!!!"
Agad na pagapang na lumapit ang dalaga sa nakahandusay na Heneral. Nakapagkubli naman sa gilid si Maria at Theo. Nakita agad ni Julian ang nangyari at ginawa ng Heneral. Kaya mabilis din itong gumapang patungo sa kinalalagyan ni Sanzumaru at Almira na umiiyak at pilit hinihila sa gilid ang Heneral.
Hinila ng mabilis ni Julian si Sanzumaru kung saan naroon si Theo at Maria. Gumapang na rin si Almira ng mabilis.
Nabigla si Theo ng ihagis ni Julian ang mahabang baril sa kanya.
" GAMITIN MO! MAGPAPUTOK KA SA KALABAN! KUNG HINDI KA LALABAN MAMAMATAY TAYONG LAHAT DITO!"
" HINDI KO ALAM GAMITIN ITO....JULIANNN!" Nanginginig na sabi ni Theo.
" PINDUTIN MO LANG ANG GATILYO NG SUNOD-SUNOD ITUTOK MO SA KALABAN!"
At ginawa na nga ni Theo ito. Halos tumalsik siya sa impact at napapasigaw habang tumutulo ang kanyang luha. Unti-unting dumami ang mga taong nasa harap ng munisipyo at ang iba ay pumasok na sa loob ng compound. May mga hawak ng baril at nagpapaputok na rin sa kalaban. Nilapitan si Julian ng gumagapang na si Lando.
" MGA GERILYA SILA IBANG GRUPO! YUNG LULUSOB DIN SA HACIENDA! TUMUNGO NA SILA RITO PARA SA TULUNGAN TAYO! BILISAN NYO NASA TRAK NA ANG MGA TINANGAY NATING ARMAS! NAROON NA SI DELFIN!" Sigaw ni Lando. Muli itong gumapang patungo sa iba pang mga kasama na patuloy na nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban.
Halos bumangga naman ang military truck na pinapaatras ni Delfin.
" BILISAN NYO! SAKAY NA!" Sigaw nito. Agad na pinasan ni Julian si Sanzumaru na tila naghihingalo na at patuloy na inaasikaso ng umiiyak na si Almira.
Naisampa agad ni Julian si Sanzumaru sa tulong ng iba pa nilang kasama na tumatakbo ng sumampa sa truck. Agad mabilis na nakasampa na rin si Maria, ang magkaibigan at ilan pang kasama nila. Tinakbo ni Julian ang isa pang military truck ng makita niyang pilit na itong pinapaandar ng isang hapones. Agad niya itong binaril ng malapitan at agad inihulog ng makasampa siya. Minaneho na ito at nagsisigaw na sumampa na ang mga kasama nila at mga tumulong na gerilya.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...