Sa pagdating ng mga Hapones sa ating bansa, nagsara ang mga palimbagan. Ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay muling nagbukas ang mga ito. Ang lingguhang magasin na Liwayway ay pinahintulutan ding buksan muli. Sumunod na rin ang pahayagang Taliba.
Si Jose P. Laurel ang itinalagang bagong Presidente ng bansa ng pamamahalaang Hapones. Tinawag itong Puppet Government ng mga tao noon sa dahilang mga Hapones pa rin ang namumuno.
June 1942 ay muling binuksan ang lahat ng antas ng mga paaralang bayan. Ang Japanese Military Government ang nagturo ng Nihonggo sa mga guro ng paaralang bayan.
Bagamat itinuro ang wikang Nihongo sa mga paaralan, binigyang diin pa rin at mas pinahalagaan ang sariling wikang Tagalog na may pahintulot at kagustuhan din ng mga hapones. Ngunit mahigpit nilang ipinagbawal ang pagbabasa o paggamit ng wikang ingles.
Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi naging madali para sa mga Pilipinong binalot ng takot at pangamba na nasa ilalim ng digmaan.
------------------------------------------------------
Almira's POVIpokrita ako kung diko aminin na may mga bagay sa panahon na pinanggalingan namin ang hindi ko iniisip at nami-miss. Sa pagtagal namin ng kaibigan ko sa panahong ito at wala ni isang clue man lang kung paano kami makakabalik sa panahon namin ay labis akong nakakaramdam ng lungkot. Hindi sa mga naiwan namin kung hindi sa mga taong kasama namin sa panahong ito.
Bagamat sa future ay alam naming may mga nag-aalala sa pagkawala namin ay mas higit ang aking pangamba sa mga bagay na aking inaalala sa kahihitnan ng mga taong narito sa panahong ito na aming mga nakilala.
Ang batang si Socorro na isa ng lola na aming nakilala sa panahon namin ang tanging nag-iisang na alam namin ng kaibigan ko na buhay pa. Ang ibang relatives niya sa panahong ito ay marahil wala na talaga sa future. Si Julio na bunsong kapatid ni Socorro na lang din marahil ang natitira pa ding buhay.
Si Julian, Delfin, Maria, ang iba pang mga narito.....wala na sila marahil sa future. Si Sanzumaru....ano kaya ang nangyari sa kanya sa hinaharap? Masasaksihan pa kaya namin ang mga magaganap sa kanila? O baka kami na ang hindi makasaksi sa mga bagay na iyon kung may hindi magandang mangyari sa amin ng kaibigan ko o kaya naman ay bigla na lang kaming makabalik sa panahon namin katulad ng biglaang pagdating namin sa panahong ito.
Sa katotohanan ay napakahirap ng kalagayan ng mga tao na naipit sa giyera at nagtago sa bundok na ito. Ngunit kanilang tinitiis ang mga ito para sa kaligtasan nila. Maging kami ng kaibigan ko ay nahihirapan na rin....sa pagtagal namin ay nakikita na namin na darating ang araw unti-unting magkukulang sa pagkain ang mga taong narito. Maaring magkaroon ng sakit ang ilan na hindi na mabigyan ng lunas at tuluyang pagkamatay. Hindi lang iyon, ang pamumuhay sa bundok at kuweba ay hindi talaga kinasanayan ng mga tao. Hanggang kailan kami o sila mananatili rito.
Sana lang sa loob ng apat na taon na narito ang mga hapones ay malagpasan nila ang lahat....o malagpasan din namin kung sakaling narito pa rin kami.
Si Julian....hindi niya matanggap at ng ibang gerilya ang malamang nagkanlong kami ng isang hapones at heneral pa. Ngunit dahil kina Lolo Agusto at mga taong nakilala na rin ang pagkatao ni Sanzumaru ay natanggap na rin niya ito. Sa pananatili ni Sanzumaru sa lugar namin ay isang bagay ang nais niyang mangyari.....ito ay makapaghiganti kay Satoshi at tuluyan itong patayin. Sa mga kuwento ni Sanzumaru ay doon ko mas naintindihan ang kulturang kinagisnan niya.
" Frend ang lalim yata ng iniisip mo!" Biglang kalabit sa akin ng kaibigan ko na nakahiga.
" Wala nagiisip lang ako....mukhang hindi na yata tayo makakabalik sa future!" Tugon ko sa kanya. Tumayo ito at tinungo ng pinto ng kubol umupo sa silyang kawayan.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...