Chapter - 41

4.3K 139 5
                                    

Nang lumikas ang Pangulong Manuel L. Quezon sa Isla ng Corregidor kasama ang kanyang pamilya at gabinete at nagtungo ng Amerika. Naiwan niya ang pamamahala sa bansa kay Jose Abad Santos.

Tinawag na Government in Exile ang ginawa ni Quezon sa dahilang ipinagpatuloy niya sa Amerika ang layuning muling mabawi ang Pilipinas sa mga Hapones.

Patuloy ang labanan at noong Marso 11, 1942 ay nagpasya si Heneral Douglas Mc Arthur na lisanin na rin ang Pilipinas kahit labag sa loob niya. Tinungo niya ang Australia at doon ay ipinahayag niya ang pangakong I SHALL RETURN. Iniwan niya kay Heneral Jonathan Wainright ang pamumuno sa hukbong sandatahan ng bansa at ng Amerika.

Nagpatuloy ang labanan sa mga bulubundukin ng Bataan at sa Isla ng Corregidor pati sa ibang panig ng bansa.

Dahil sa lakas at laki ng hukbong Hapones na preparado sa kanilang pananakop ay nagapi ang mga sundalong Pilipino at Amerikano na nasa Bataan.

ABRIL 09, 1942 ang tinaguriang FALL OF BATAAN. Sumuko ang mga hukbong Pilipino at Amerikano matapos ang ilang buwan na pakikipaglaban. Karamihan sa kanila ay mga sugatan, mga maysakit at mga gutom na sanhi ng pakikipaglaban ng ilang buwan.

Mula Mariveles Bataan, ang mga sumukong sundalo ay pinagmartsa hanggang San Fernando Pampanga at mula dito ay isinakay sila sa tren patungong Camp O. Donnel sa Capaz Tarlac. Umabot ng 80,000 na sundalo ang naglakad ng 105 kms. 10,000 sa kanila ay hindi na nakarating ng buhay sa concentration camp dahil sa pagod,gutom at pagkahapo.

Sa concentration camp ay hindi rin natapos ang kanilang kalbaryo sa mga hapones. Maraming namatay sa gutom, sakit, malnutrisyon, torture at pagpatay. Sila ang mga tinawag na POW ( Prisoners of War).
------------------------------------------------------

Sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na naipit sa Bataan. Hindi nawalang ng pag-asa ang ilang kilusang gerilya na naitatag. Bagamat maraming namatay sa balitang Death March ay hindi sumuko ang mga kilusang katulad ng kina Julian sa Barcelona. Patuloy silang nagtago at nagpalalakas ng hukbo sa kabundukan.

Naging sakit sila sa ulo ni Sanzumaru dahil ang mga nagpapatrulyang mga sundalong Hapones na napapadpad sa kabundukan ang pinuntirya nila. Kinukuha ang mga armas at kung ano pang mapapakinabangan. Ang ilang military truck na tinatambangan ay sinasaid ang gaas sa tangke at susunugin pagkatapos.

Bagamat sa kanilang kuta ang mga gerilya ay hindi gaanong kabihasa dahil sila nakakapag-ensayo tulad ng pagamit ng baril sa dahilang maaring maririnig ito ng mga kalaban. Kaya ang naging pagsasanay ay nauuwi sa aktuwal na labanan ang nangyayari. Ang mga sanay sa pag-gamit ng baril ang nangunguna sa pananambang sa mga hapones. Ang mga hindi sanay ay aktuwal na nakikipaglaban na rin. Malungkot at hindi katanggap-tanggap sa mga pamilya ang mawalan ng anak o ama na nakikipaglaban sa digmaan ito ay kanilang tinatanggap na lamang para sa bayan. Mas nakakapag-ensayo sila sa pisikal na pakikipaglaban.

Sa Bayan ng Barcelona dahil hapones na ang may hawak ng pamahalaan at sa pamumuno ni Sanzumaru ay hindi maiwasang may mga sundalong hapones ang hindi sang-ayon sa ginagawa niya. Pero meron pa ring ang gusto ay katahimikan sa bayan at walang kinakatatakutan ang mga tao na tulad nila. Sa mga mamamayan naman ay hindi ring maiwasang may mga taong hindi naniniwalang mabuting heneral si Sanzumaru. Pero mayroon ding naniniwala sa kanya bagamat hindi sila nagkakaintindihan ng mga tao ay pinipilit ipaintindi ni Sanzumaru na wala siyang hangad na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga sundalong hapones at mga sibilyang mamamayan.

Isang gabi sa Hacienda ng mga Honrado ay muling kinausap ni Don Honrado si Satoshi. Ang tungkol sa plano nilang pagbabago sa pamunuan sa bayan ang kanilang adyendang muli ay maisasakatuparan na sa pamamagitan ni Satoshi.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon