Chapter - 12

7.6K 215 21
                                    

Matapos bombahin ng mga hapon ang pearl harbor ng Disyembre 7, 1941 kung saan ay Disyembre 8 sa Pilipinas ay agad na din nilang binomba ang mga base ng Amerikano sa Pilipinas. Ito ang mga base sa Baguio, Clark Field, Zambales, Cavite, Davao at ibang panig ng kapuluan.

Disyembre 10, 1941 narating ng mga hukbong pandagat ng Hapon ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur. Dumaong na rin ang malaking puwersa ng mga Hapon sa Lingayen Pangasinan at unti-unti na nilang narating ang Maynila.

------------------------------------------------------

Hanggang sa dahan-dahan muling umandar ang tren at nakita nila na may tatlong tao na lumapit na sa mag-iina at nagyakapan ang mga ito.

Inayos muli ng magkaibigan ang pagkakaupo. At napapahid ng luha si Theo.

" Frend....hindi ko mapigilang maging emosyonal sa totoo lang....ganito pala ang pakiramdam ng mga tao sa panahong ito na nararamdaman ko ngayon. Takot, pangamba at kalungkutan. Walang kasiguruhan sa lahat ng bagay....hindi nila alam mga mangyayari.....ang sakit isipin....samantalang tayo sa panahon natin ay tila winawalang bahala na lang ang pangyayayaring ito sa ating kasaysayan."

" Nagbabago kasi ang panahon......kasabay niyon ay ang pagbabago din ng tao.....lalo na ang kanilang pananaw sa lahat ng bagay na may kinalaman sa kanilang pamumuhay." Sagot ni Almira sa kaibigan.

" Tama ka...wala talagang permanente sa mundo....lahat nagbabago."

" Meron kaya.....iyon ang pagbabago.....iyon ang permanente sa mundo." Sagot ni Almira sa kaibigan.

" Yahhh....naiintindihan ko ibig mong sabihin frend."

Sa pagpapatuloy ng paglalakbay ng tren ay nanatiling gising ang diwa ng magkaibigan kahit nakapikit ay pareho ang nasa isipan na sana pag-gising nila ay panaginip lang ang lahat. Hanggang sa hindi na nila napigilang muling makatulog.
.
.
.
.
December 10, 1941

Nagising na lang ang dalawa ng medyo maingay na sa labas sa may bintana ng tren. Mga taong bumababa at mga pasakay pa rin. Pupungas-pungas na sinilip ni Theo ang labas at nakita niya ang karatula nakasabit dahil maliwanag na na rin ang paligid.

" Frend....Naga na tayo..Cam. sur na."

Sinilip ni Almira ang labas at pinagmasdan ang paligid...ibang-iba pa rin ito sa kasalukuyan. Pananamit ng mga tao at maging itsura nila. Ang mga bahay sa paligid ay hindi katulad sa Kasalukuyan.

" Kagabi sabi ko sa sarili ko na sana pag-gising ko ay isang mahabang panaginip lang ang lahat.....hindi pala." Mahinang pagkasabi ni Almira.

" Paano tayo mananaginip ng ganun frend.....heto nga nandito ang katawan kong sexy na malamang pagnasaan ng mga dyupanes sa panahong ito!"

Humugot ng malalim na hininga si Almira.

" Na trap na tayo dito talaga ng tuluyan......tanggapin na lang natin. Mahirap pero kailangan."

" Ako frend kagabi pa tinangap ko na! I wanna be a hero in this place! Anumang mangyari sa akin o sa atin..." Sabay tingin sa pamilyang kasama nila at sa mga batang tulog pa rin..." Ay lalaban ako...ayokong matsugi na hindi lalaban sa panahong ito! Warla kung warla!"

" Wow naman ang tapang mo ngayon ah!"

" Sinong hindi magiging matapang sa panahon na ito?! Sa mga nabasa ko na mga kasamaan at pang-aabuso ng mga dyupanes sa mga Pilipino noon este sa panahong ito ay hindi iyon makakalimutan ng mga taong biktima. Bangungot yun sa kanila frend!"

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon