Chapter - 37

4.9K 145 30
                                    

Matapos  maideklarang OPEN CITY ang kamaynilaan ng Disyembre 26, 1941 para mailigtas ito sa tuluyang pagkasira o pagkawasak ang siyudad dahil sa digmaan ay
hindi nagpapigil ang mga hapones sa kagustuhan nitong sakupin ang kamaynilaan.

Patuloy na ipinagtanggol ng hukbong Pilipino at Amerikano ang Maynila laban sa mananakop na patuloy na umaabante patungong Maynila. Ngunit hindi sila umubra sa mga Hapones na tuluyan ng nakapasok sa Maynila ng Enero 02, 1942. Nagbunsod ito ng tuluyang pag-atras ng mga hukbong Pilipino at Amerikano patungo sa kabundukan ng Bataan.

At noong Enero 03, 1942, matapos masakop ng mga Hapones ang Maynila ay itinatag ang Japanese Military Administration. Pinamunuan ito ni Heneral Masaharu Homma bilang Direktor Heneral.
------------------------------------------------------

Sumakay na kami sa sasakyan na maghahatid sa amin pauwi. Bumelat pa si Theo na lalong ikinagalit nito.

Tawang-tawa kami ng kaibigan ko. At maging ang dalawang hapon ay kinausap kami sa nakita nila. Hindi daw nila naintindihan mga sinasabi namin. Sinabi lang ng kaibigan ko na evil si clemencia minsan may sapi, may lahi sila ng baliw at mangkukulam.

Mukha namang naniwala ang dalawang hapones at sinigurado pa talaga nila na kung may katotohanan ang mga ganung bagay. At habang nasa biyahe umandar kalokohan namin ng kaibigan ko. Kinuwentuhan pa namin sila na may mga angkan ng aswang na naninirahan sa bayan namin....sa bundok sila naninirahan at bumababa sa bayan sa gabi para makapambiktima. Epic ang reaksyon ng dalawa na mukhang naniwala at mas natakot. Hindi sila takot sa giyera pero sa mga bagay na supernatural o paranormal ay may takot pala sila.

Nang muli kaming nagkausap nina Mang Antonio at Mang Esteban ay nabigla sila sa ibinalita naming magkaibigan na magiging Nurse kami sa infirmary ng hukbo ng mga Hapones. Ramdam naming magkaibigan na tutol sila sa naging pasya namin. Ngunit ipinaliwanag namin ang lahat. Bilang isang nurse ay may tungkulin kami sa lahat ng tao....hindi sa anupamang lahi nila.

Sinangayunan naman ito ni Lola Conchita....basta mag-ingat daw kaming dalawa at huwag gagawa ng makakasama sa aming mga Pilipino.
------------------------------------------------------
ENERO 02, 1942

Umaga pagpunta namin ng infirmary ay sinabihan kami ng doktor na hapones na bumubuti na ang lagay ng batang dinala namin. Naroon din ang ina nito na nakabantay. Nakita pa namin si Sanzumaru na inienpeksyon ang mga mga kanyon nila na maliliit sa harap ng munisipyo. Pati ang mga baril na malalaki na sa tingin ko ay yun ang parang armalite nila sa dami ng balang nakasabit sa gilid nito. Nasa loob ito ng mga patong-patong na sako na may buhangin kung saan kasya ang dalawang tao.

Sa kalsada ay nakahilera ang military tank nila o mga kanyon. May ilang military truck na umalis sakay ang mga sundalong hapones.

Habang nag-iikot kami sa buong garrison ay may mga ilang kalalakihang Pilipino kaming nakita sa isang bahagi niyon sa likod na ng Munisipyo. May mga ginagawang mga barikada ang mga ito na yari sa kahoy. Katulad ito ng mga nakita namin sa checkpoint at sa harap ng munisipyo at garrison. Ginawa na pala nilang mga manggagawa ang ilang kalalakihan ng bayan. Isang bahagi naman ng gusali ay ginawang imbakan ng mga pagkain ng mga sundalo. May mga ginawang lutuan at ang makikitang gumagawa doon ay mga babae na karamihan ay mga ina na sa aking paningin. May ilang kaedad ko na babae rin at mga binatilyong nagbubuhat ng mga mabibigat na kaldero,kawa  at mga panggatong, nagiigib ng tubig sa balon sa di kalayuan.Abala ang mga ito at may hapones na nakabantay doon na umiikot-ikot kaya wala silang panahon na magusap-usap.

" Nakita mo yan frend! Inaalipin na nila ang mga Pilipino! Sa tingin mo may bayad ang mga iyan?! Waley for sure!"

Gusto man naming tanungin ang mga trabahador ay nag-aalangan kaming baka pag-initan kami o ang mga trabahador. Nakita pa naming parating si Hugo kaya agad na kaming umalis sa lugar na iyon at bumalik sa infirmary.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon