Una kong binuksan ang isang card na may petsang 1994 at sabay naming binasa ni Theo ang nilalaman nito....
.
.
.
.
.
Disyembre 10, 1994Baby Almira,
Maligayang pagdating sa mundo. Hindi ko man kilala ang iyong inang nagluwal sayo ay maligaya akong isinilang ka sa panahong ito.
Tangi kong hiling ay maging malusog at mabuti kang bata sa iyong paglaki. Mahalin mo ang iyong mga magulang ng higit kanino pa man.
Lolo Julian
Batid kong sa panahong ito ay lolo na ang tawag mo sa akin. Pitumput-pitong taon na ako at sa nalalabing mga panahon sa aking buhay ay wala rin akong hiling kundi bigyan ako ng sapat na lakas para mabuhay pa sa mundo at makilala kita sa iyong panahon.
.
.
.
" Oh my God!" Ang salitang lumabas sa bibig ng kaibigan ko.Hindi ako kumibo sa aking nabasa. May kung anong damdamin akong kinakapa sa aking sarili sa mga salitang aking nabasa. Pangungulila......pangungulila sa mga magulang na kailanman ay hindi ko nakilala. Mistulang isang ama o lolo ang paraan ng pagsulat ni Julian sa card na aking nabasa.
" Frend....Hindi Dec. 10 ang bday mo....yan ang date ng makilala natin si Julian noong 1941."
" Tama si Theo Julius, hindi ko yata nasabi kay Julian ang aking bday kaya ang una naming pagkikita ang ipinalagay niyang bday ko."
" Iyan din ang nasabi ni lolo sa akin ng kanyang ikinukuwento at ipinagbibilin ang mga iyan sa akin noong nasa wastong edad na ako. Tanda ko mga first yr college na ako ng magbakasyon ako dito ipinakita niya sa akin ang mga iyan na kumpleto na."
" Kung ganun talagang sinadya ni Papa Juls na hanggang 2017 ang card na ginawa niya ay base dun sa date sa resibo dahil alam niyang makikita ka na niya sa panahong ito frend! My God pero hindi pa rin kayo nagkatagpo!"
Hindi ko binasa ang sumunod ayokong umiyak, ayokong malungkot sa maaring nilalaman ng card na una kong bday noong 1995. Hinanap ko ang 2012....ang aking ika labing-walong taon kong kaarawan na alam ko sa panahong iyon ay isang simpleng bday lang sa apartment na tinitirhan ko kasama si Sister Soledad,ilang kaibigan at ang aking bestfriend. Binuksan ko ito at isang pink na card na may malaking cake sa harap nito na may 18 candles at roses. Agad kong binasa ang nasa likod nito.
Dec. 10, 2012
Binibining Almira,
Maligayang ika-labing walong taong kaarawan sayo. Alam ko isa ka nang ganap na dalaga sa panahong ito. Isang napakagandang dalaga na marahil ay napakaraming manliligaw.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...