Almira's POV
" Iyon ang huling pagkakataon na nakita ko si Heneral Sanzumaru doon sa bundok kung saan kami nanirahan at kinupkop siya ng aking ama at mga kamag-anak." Tugon sa amin ni Lola Socorro na agad kong sinabi kay Kiro sa wikang nihongo para maintindihan niya. Matapos itong magkuwento ng mga pangyayari na sa kanyang buhay kung saan bahagi nito ang Heneral.
Maging ako at si Theo ay mas nalinawan sa mga nangyari ng gabing iyon na maglaho kami.
Ang lahat ng sinabi ni Lola ay base sa kanyang karanasan at mga pangyayaring kanyang nalaman matapos ang labanan ng gabing iyon.
Matapos daw mapatay ng mga gerilya si Don Honrado ay patakas na ang mga ito at sa pinaka entrance ng Hacienda ay doon naabutan ng grupo ni Julian ang wala ng buhay na si Delfin at Maria pati ang ilang mga gerilya. Gamit ang trak kung saan naroon ang bangkay ni Sanzumaru ay isinakay nila ang ilang bangkay ng mga kasama at dinala sa baryo nina Maria.
Doon din nila inilibing ang mga nasawi kabilang si Maria, Delfin at Sanzumaru. Si Julian ang namuno sa paglilibing ng mga ito.
Matapos ang giyera taong 1950 na ng magpasya ang mga magulang ni Delfin kung saan ang ama nito ang siyang naging mayor na uli na gawing libingan ng mga bayani ng bayan ang lugar na iyon para sa mga gerilya, karaniwang tao na naging bahagi ng digmaan.
Ibinigay na ni lola conchita sa pamahalaang bayan ang pamamahala ng bahaging iyon ng kanyang lupain kung saan isa-isang hinukay ang mga bungo at inayos ang pagkakalibing. Dahil halo-halong mga bungo daw ang naroon ay nagpasyang isang malaking murals ang ginawa at itinayo sa lugar kung saan naroon ang mga pangalan ng mga nasawi. Ang ilang bahagi ng lupang iyon ay ibinigay naman sa kapatid at pamangkin ni Maria kung saan ang pamilya nito ang nagsilbing tagapamahala ng lupain at mga produkto sa lugar na iyon.
Naibigay ni Delfin kay mang esteban ang listahan ng mga pangalan ng mga unang nilibing bago ito namatay sa labanan kaya madali na lang na nagawa ang nasabing paglagay ng mga pangalan ng mga taong nakalibing sa lugar na iyon.
Tanging may mga sariling puntod doon ay si Maria, Delfin at si Sanzumaru. Pero ang mga kaanak ni lola ay sa sementeryo ng bayan inilibing.
" Kung ganun! Hindi talaga nagtaksil sa bansa si Heneral Sanzumaru?!" Tanging nasabi ni Kiro. Alam ko iyon, ngunit nagkunwari pa rin akong walang alam dahil pag sinabi ko na kami ni Theo ang gumamot dito ay hindi nito paniniwalaan marahil. Hindi ko na lang sinabi dito na Theo at Almira ang pangalan ng nagligtas sa Heneral na sinabi ni Lola Socorro. Wala nga talagang nakalimutan si lola sa karanasan niya noong giyera. Nakabuti na ring hindi nagtanong si kiro sa pagkakakilanlan ng dalawang taong sinabi ni lola na kami din naman iyon ng kaibigan ko.
Agad pinatay ni Kiro ang video recorder niya kung saan kumuha siya ng video sa interview kay lola. Kasama kami ni Theo na tulong sa pagpaliwanag ng ikinukuwento ni Lola. Napailing na natawa kami ni Theo dahil sa pangalawang pagkakataon ay interpreter ulit kami.
Agad may kinausap sa cp niya si Kiro na medyo lumayo sa amin. Makikita sa kanyang ekspresyon na tila masaya siya sa sinasabi sa kausap.
Nagtagal ito mga 30mins na pakikipag-usap kung saan lunch na din kaya niyaya na namin siyang kumain. Hindi naman ito tumanggi dahil isda at sinigang ang ulam namin na kanyang natikman na rin sa isang restaurant na kinainan niya.
Matapos ang tanghalian ay sinabihan ito ni lola na maaari siyang sumama sa pagdalaw sa burol kinagabihan kay Julian dahil ito ang nagtatag ng kilusang sinamahan ni Heneral Sanzumaru. Nabigla si kiro dahil hindi siya makapaniwalang umabot na halos 100 yrs old si Julian pero masaya siya dahil mas lalawak ang maisusulat niya sa gagawin niyang documentary.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...