Chapter - 29

5.3K 151 53
                                    

Sa kadiliman ng gabi habang naglalakad patungo sa dalampasigan ay halos sumabog ang dibdib ko habang nakahawak sa kamay ko si Julian na hindi ko namalayan. Mabilis ang mga hakbang namin. Nauna si Theo at ang mag-asawang kasama namin at ang anak ng bangkero na sumama na din. Hawak ni theo ang pinlight kaya maski papano ay naging mabilis ang lakad namin dahil nakikita namin ito.

Nang marating namin ang dalampasigan ay malamig na hanging amihan ang yumakap sa amin. Sa pagitan ng malalaking rock formation ay naroon ang bangka. Agad nang nagpaalam si Lando at Mang Esteban na sumama sa amin. Agad nang sumampa ang mag-asawang kasama namin. Maganda ang bangka dahil may upuan na tabla ito. Nasa unahan ang bangkero nasa likod niya umupo si Theo. Sa likod naman niya kami ni Julian na imbes ako ang umaalalay sa kanya ay ako ang inaalalayan niya. Ang mag-asawang kasama namin ay nasa likod din namin. Nasa dulo ang binatilyong anak ng bangkero at isang kaanak pa nina lola conchita.

Nasa first quarter ang anyo ng buwan at kita namin ang karagatan. Ang mga bituin na nagpapaligsahan sa pagkislap. Mabagal ang pagusad ng bangkang sinasakyan namin at makikita ang ilang kubo na may gasera pang ilaw sa dalampasigan. Tahimik kaming lahat dahil malapit pa halos kami sa dalampasigan. Ang nagsasagwan ay ang bangkero.at anak nito. Bahagya akong tinignan ang katabi kong si Julian na ang mata ay nasa dalampasigan at alerto. Nasa tabi niya ang bayong na nilagyan niya ng kanyang baril. Hanggang sa palayo na kami ng palayo at nasa laot na. Ang pagsipol ng hangin ang maririnig at ang napakagandang tanawin ng mga bituin, mga anino ng islang nasa di kalayuan ang aming natatanaw. Lumingon ako sa likod ko...yakap ng lalaking kasama namin ang asawa niya na nakabalot ng kumot. May kinuha namang isang kumot na hindi kalakihan si Julian sa bayong at isinampay niya sa balikat ko.

" Gamitin mo malamig ang panahon." Mahinang pagkasabi niya.

" Salamat." Ngumiti lang siya. Sa harap ko ay ang kaibigan ko. Tahimik lang siya na nakaupo. Kilala ko siya sa mga ganitong pagkakataon na tahimik lang siya either may dinaramdam ito at iniisip.

Theo's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Theo's POV

Halos dalawang linggo na pala kami sa panahong ito. Marami ng nangyari pero wala man lang kaming makuhang pahiwatig kung makakabalik pa kami sa future. Nakakakaba ang mga pangyayari lalo na kanina lang ay nasaksihan namin ang isang kalupitan ng Hapones sa mga sibilyan. Wala man lang akong nagawa kami ng aking kaibigan. Nurse kami nanggagamot at nagsasalba ng buhay ng tao pero sa panahong ito ay limitado ang nagagawa naming pagtulong. Ang lungkot sa totoo lang...kung sa pinanggalingan namin ay malungkot ako dahil sa wala akong lovelife, pero dito pala ay walang hihigit pang kalungkutan ang nararamdaman ng mga tao. Hindi lang lungkot kundi, takot at pangamba. Walang-wala sa hinaing ko sa buhay sa pinanggalingan kong panahon. Pero kapag pamilya na ang pinag-uusapan ay ibang bagay na iyon. Masaya ako sa pamilya ko.....hindi ako mabubuhay na wala sila dahil tanging sila ang mas higit na nakakaunawa at nakakaintindi ng tunay na ako. Masayahin akong tao parang ang bestfriend ko lang, pero sa kabila nito ay may lungkot pa ring nararamdaman. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong naguusap si Julian at ang bestfriend ko. Ipinatong pa ni Julian ang isang kumot sa likod nito dahil malamig ang panahon. Sa likod naman nila ay ang mag-asawang magkayakap na nagsasalo sa isang kumot din habang nakaupo. Alam kong masaya ang kaibigan ko sa kabila ng kami ay nasa nakaraang panahon ay hindi maitatangging nagmamahal ang bestfriend ko. Pati ang lalaking pinaguukulan niya ng atensyon ay alam kong may pagtingin din sa kanya. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa paligid....nasa laot na talaga kami tanging alon ang maririnig. Tumingin ako sa mga bituin habang iniisip ko na sa akin kaya may magmamahal din. Pinagmasdan kong mabuti ang mga bituin. Para din pala silang mga tao. May makikinang merong hindi gaano....may maliliit at meron ding malalaki. Higit sa lahat ay may mga tabi-tabi, may magkakalayo pero meron ding halos mag-isa sila sa isang lugar. Ako kaya magiging katulad ng mga bituing iyan. Napabuntonghininga ako. Ayokong isipin mga bagay na iyan, erase!erase! Anumang mangyari ipinapangako ko sa aking sarili na mabubuhay ako sa panahong ito. Hindi ako patatalo sa emosyon ko! Kailangan ako ng mga taong magkakaroon ng kaugnayan sa akin...sa amin ng bestfriend ko......kailangan naming mabuhay........Hanggang isang kanta ang naalala ko na paborito kong kantahin. Pumikit ako at nagsimulang humimig ng naturang awitin na puno ng pag-asa.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon