Tahimik lang kaming lahat habang nasa biyahe. Ngunit nang papalapit na kami sa bahay nina Julian ay nakita naming nag-uusap si Don Honrado at ang kaibigan nitong hapones na nakita na namin dati at ang opisyal din na sundalong hapones sa harap ng bakuran. Naroon din si Clemencia na akmang pasakay na sa sasakyan nito. Agad pinahinto ni Sanzumaru ang sinasakyan namin. Bumaba agad ito patungo kina Don Honrado doon ko lang mas nakita ang opisyal na kausap nito na mataba. Ito ang matapang ang itsura na parang hindi gagawa ng maganda sa mga Pilipino. Nabigla pa ito ng makita si Sanzumaru at agad sumaludo dito.
" Sorehanandesuka?! Oshietekudasai?! (Ano ito?! Magpaliwanag ka?!" Matiim na tanong ni Sanzumaru kung saan dinig pa rin namin kahit mga ilang metro ang layo at nasa loob pa rin kami ng sasakyan.
" Naparito ang bagong alkalde ng bayan para makita ang loob ng bahay na ito!" Tila walang galang na sabi ng isang opisyal kay Sanzumaru."
" Para saan at ano Satoshi?!" Tanong ni Sanzumaru. Bumaba din kami ng kaibigan at bahagyang lumapit kay Sanzumaru. Dumilim ang mukha ng bruhang si Clemencia ng makita kami. Muli itong tumabi sa ama na kuntodo paypay sa kanyang mukha. Aristokrata ang tingin niya sa kanyang sarili sa aking palagay. Taas noo at parang ang liit ng tingin niya sa amin. Pero hindi ako nagpatalo tinaasan ko din siya ng kilay. Hindi naman makaimik si Theo alam ko na nagpipigil ito ng sasabihin dahil alam ng mga naroon mag asawa kami. Naguusap naman si Don Honrado at ang interpreter na si Hugo ng pabulong. Marahil sinasabi niya dito ang pinaguusapan ng dalawang hapones na opisyal. Wikang niponggo ang usapan ng dalawa at hindi ito alam ni Don Honrado. Nagpipigil pero galit ang tono at mga salitang binitawan ni Sanzumaru. Naintindihan namin lahat ito. Ayaw ni Sanzumaru na okupahin ng hukbo nila ang bahay nina Julian. Kung bakit naroon sina Don Honrado ay humingi daw ng permso si Satoshi Okuda na okupahin ang naturang bahay ng hukbo nila. Nagalit si Sansumaru dahil gumawa ng hakbang si Satoshi na walang pahintulot sa kanya. Ipinaliwanag ni Satoshi na madadagdagan pa ang kanilang hukbo dahil may paparating pa.
" Ang tahanang iyan ay binuo ng isang pamilya! Oo nga at isang sundalo ang nanirahan diyan na itinuturing nating kalaban! Pero hindi ibig sabihin niyon ay basta nyo na lang ookupahin iyan!" Tugon ni Sanzumaru kay Satoshi na hindi na makapagsalita pero kita sa mukha nito na hindi siya sang ayon kay Sanzumaru.
" Hangal pala ang hapones na ito ah! Ayaw nilang okupahin ang bahay na iyan! Pero itong bansa natin hayan walang pakundangan silang lumusob dito!" Sabi ni Don Honrado na narinig din namin. Tama nga naman siya...pero bilang isang sundalong hapones ay marahil may prinsipyong pinapaniwalaan si Sanzumaru. Oo nga at sinasakop nila ang bansang Pilipinas pero bilang isang tao ay may kabutihan sa kanyang puso lalo na sa bagay na mahalaga sa isang pamilya.
Matapos iyon ay hindi na kinausap ni Sanzumaru si Satoshi. Iniutos agad nito na lisanin ng mga sundalo ang naturang bahay. Nagtalaga na lang siya ng apat na sundalong hapones na magbabantay. Kinausap ng interpreter si Satoshi at nagusap sila pati si Don Honrado at Clemencia. Narinig ko pang madiin na sinabi ni Don Honrado sa interpreter na si Hugo....
" Akin na ang bahay na ito! Inabandona na ng may ari kaya akin na ito! Hangal ang heneral ninyo!" Tugon nito kay Satoshi na sinabi naman ni Hugo.
Agad ng umalis si Sanzumaru at kami ay sumunod na ulit sa sasakyan. Umalis na rin ang dalawang trak ng hukbo at naiwan doon si Don Honrado na nakatanaw pa na may galit sa mukha pati ang anak nito.
Habang nasa sasakyan patungo sa garrison ay nagsalita si Sanzumaru.
" Doon na muna tayo para malaman ko ang ibang kaganapan na nangyayari sa ngayon sa iba pang hukbo sa ibang panig ng bansa ninyo."
Hindi na lang kami kumibo ng kaibigan ko. Nang makarating sa naturang garrison kung saan mayroong maliit na opisina si Sanzumaru ay doon niya muna kami pinatuloy. May mga kinausap siya at mga binasang papel. Marahil mga report ito. Maging sa telepono nilang dala sa isang panig ng silid na iyon kung saan may operator ay may mga kinausap siya. Pumasok ito sa isang silid pa doon at nawala ito ng mga trenta minutos. Muling bumalik at mukhang naligo at nagpalit ng kanyang uniporme.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...