Chapter - 64

4.7K 155 28
                                    

" Sabi ni lolo....mabuting heneral naman daw iyon si Sanzumaru. Hindi lang naman sila naguusap dahil hindi sila magkaintindihan. Isa pa ay ang malapit ka daw sa Heneral kaya nagseselos siya." Nangingiting sabi ni Julius. Pati ako ay natawa na rin na seloso pala talaga si Julian. Bigla namang may malakas na boses sa may mga halaman sa likod ang narinig namin.

" AKO KANINA PA SELOS NA SELOS DOON SA KATITINGIN SA INYO MGA TAKSIL! NAGYAYAKAPAN PA KAYO! MY GOSSSHHHH!"

Agad pumunta sa harap namin si Theo at umupo sa gitna mismo namin ni Julian kaya napilitan kaming umusog. Naiiling na lang kami at natatawa.

" Nakakainis! Frend may mga andaming partners dito lalo dun sa may park! My God ako lang ang wala! Imbiyernang buhay toh!" Talak agad nito habang kalong ang bag na bitbit niya.

" Ano ba kasing ginagawa mo dun sa park? At saka maglalayas ka ba?!" Natatawang tanong ni Julian. Umusog bahagya sa kanya si Theo.

" Tsee! Preparations ko toh dahil sa sinabi mo kay frend na pumunta dito! Eh kung biglang may mangyaring time travel na naman sa amin at least handa ako!" Sa sinabi ni Theo ay agad din siyang natigilan. Agad na niyang kinausap si Julian sa mga sinabi nito sa akin. Hindi rin ito makapaniwala na bistado na pala kami ni Julian noon pa man na kami ay nanggaling sa ibang panahon. Nakaramdam din ng lungkot si Theo at natitigilan sa ilang pagkakataon na sinasabi ni Julius ang pangungulila nito sa akin ng akoy mawala na. Hindi rin ito makapaniwala na hinintay talaga ni Julius ang araw na nakalagay doon sa resibo ng item na binili namin na wala pang 5 days sa kasakukuyan pero hawak ito ni Julian at ipinasa kay Julius na halos pitumput limang taon na.

Marami pa kaming pinagusapan at puro tungkol sa nakaraang karanasan namin ni Theo. Inabot kami halos ng alas dose na ng gabi kung saan kita ang mga butuin sa langit habang nakaharap kami sa dagat. Naglakad pa kaming tatlo ng ilang minuto sa dalampasigan at ikinuwento ko kay Julius ang ginawa naming pagligtas sa lolo niya sa pamamagitan ng paglalakbay sa dagat. Labis siyang humanga sa aming dalawa ng kaibigan ko. Maski alam na niya, still sobrang nahihiwagaan pa rin siya sa experience namin.

Sa pag-uwi ay inihatid nito kaming dalawa ni Theo. Dala niya ang kanyang sasakyang pangmayaman daw na sinabi ni Theo kaya natawa na lang si Julius.

Hindi kami nagpababa sa tapat ng bahay, mga ilang metro pa bago doon ay bumaba na kami. Naunang bumaba si Theo, sumunod ako at nagpaalam sa bumaba ding si Julius. Nang tatalikod na ako ay biglang hinawakan ni Julius ang kamay ko at mahinang nagsalita.

" Sandali Almira..."

" Bakit???"

" Puwede ba kitang dalawin diyan sa inyo sa mga susunod na araw?" Bago pa ako nakasagot ay hinawakan ni Theo ang kamay naming magkahawak.

" Multuhin ka sana ng lolo mo Julius! My Gossshhhh! Nanliligaw ka na dito sa babaeng ito eh hindi pa nga inililibing si Papa Julian ko ah!" Sabay kunwari naiiyak na nalulungkot ito.

" Sabi ko ay dadalaw lang papasyal.....pero kung papayag siyang ligawan ko ay ngayon mismo nanliligaw na ako!" Nakangiting tugon nito kay Julius. Nabigla ako at di nakasagot din agad kaya hinila ng pabalik ng kaibigan ko si Julius sa sasakyan nito.

" Goooo! Sige na gumora ka na at baka lalong humaba ang buhok ng babaeng yan na gandang-ganda sa sarili!"

Nang makasakay ito ay nangingiting kumaway na lang sa akin na tinugunan ko na rin. Muli kong hinarap si Theo....

" Alam mo bakla, mula sa time travel natin panira ka! Sa moment namin ni Julian at maging sa moment namin ni Julius ngayon!" Tumaas ang kilay ni Theo at ngumiti na lumapit sa akin.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon