Chapter - 19

6.2K 201 49
                                    

" Yuhooooo.....binibining Clemencia? Yuhooo!!" Tawag ni Theo bago umalis. Kaya napatingin sa kanya ang galit na mukha ni clemencia.

" ANO?!!"

" BLEHHHH NGANGABELS ANG PEG MO GIRL! WALEY KA KAY MARIA HOW SAD!" Sabay halakhak ni Theo...kunot noo naman si Clemencia sa narinig dahil hindi niya naunawaan ngunit sa pagtawa nito ay alam niyang insulto sa kanya iyon kaya ibinato nito ang abanikong dala.

" Ikaw talagang bakla ka naghahanap ka ng away! Nakita mo yung titig niya sayo kulang na lang ipa-salvage ka!" Bulong ni Almira sa kaibigan.

" Ok lang yun frend.....para kay maria yun....nakita ko sa mata ni Delfin na may gusto siya dito. Yung Clemencia naman halatang may gusto kay Delfin. O di ba exciting! Tignan natin kung sino ang magwawagi sa dalawang girlalou!"

" It means give up ka na kay Delfin?!"

" Did I tell you ba na give up na ako?! Girl hahayaan ko muna ang dalawa noh! Then saka ako papasok sa eksena."

" Bahala ka na nga! Ang isipin mo ngayon dapat anong gagawin natin....nalalapit na ang kinatatakutan natin!"

" My Gosssshhhh oo nga pala! Sorry frend nawawala ako kasi minsan sa sarili....nawiwindang kasi ako minsan sa mga nangyayari!"

" Seryosong bagay na ito kaya kailangang makapag-isip tayo ng dapat gawin sa lalong madaling panahon."

" Tama ka iha....hindi biro ang mga magaganap....sa ngayon ay kailangang makauwi na agad tayo. Nandito na si Tiyo Agusto at pag-uusapan namin ang plano ko na paglikas agad ng aking pamilya sa Bulusan."

Eksaktong tanghalian ng makarating sila ng bahay ng mga Madronio. Nakahanda na sa hapag ang tanghalian ng pamilya. Agad namang ginawa ni Maria ang kanyang gawain.

" Maanong dito na kayo sa hapag at ng makapananghalian." Pagtawag no Lola Conchita sa mga bagong dating. Dumating din muli ang mga kapatid ni Mang Esteban kasama ang kanilang mga maybahay. Matapos ang masaganang tanghalian....

" Mga anak anong plano na natin sa ngayon? Buo na ba ang pasya ninyo na pansamantalang lumikas at lisanin ang bayan na ito?" Tanong ni Lola Conchita.

" Mamay nakahanda na ang lahat para dalhin ko muna ang aking mga bata pang anak sa Bulusan. Pero maiiwan kami sa aming tahanan ng aking asawa at panganay kong anak." Tugon ni Antonio ang panganay na anak no Lola Conchita.

" Kami man po ng aking asawa ay iyon ang plano. Mahirap pong iwanan ang ating tahanan na walang tao. Baka may mga mapagsamantalang magnakaw at pagbalik natin ay wala na ang ating mga kagamitan." Dagdag pahayag ni Guillermo ang isa pang anak ni Lola Conchita.

" Anumang balak ninyo ay sang-ayon ako.....hindi natin alam kahihinatnan ng giyerang ito. Kaya dapat lang maging handa tayo at magplano. Malaki ang lupaing nabili ko sa Bulusan. May parte doon na mahirap marating ng tao kung hindi mo sasadyain. Alam nyo bang may natagpuan akong kuweba sa kabundukan iyon noong mga nakaraang taon. Pinagtulungan naming linisin iyon ng aking mga anak at mga taong naninirahan sa lupang pagmamayari ko. Sa labas naman niyon ay malawak na kakahuyan at may itinayo na akong mga kubo doon. May mga tao na ring naninirahan sa lugar, sila ang mga tauhan ko na nag-aalaga sa lugar."

" Kung gayon Tiyo Agusto maaari na nating tunguhin ang lugar na iyon para sa pansamantalang paglikas ng aming mga pamilya?!" Tanong ni Mang Esteban.

" Tama.....pero malayo ang lugar sa bayan. Maging sa mga kalsada, aabutin tayo ng paglalakbay ng mga 7 oras bago marating iyon. Yung liblib na baryo namin ang dadaanan natin."

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon