Chapter - 32

5.4K 153 43
                                    

Dahil sa lagkit sa katawan at dumi ay nagpasya ang magkaibigan na tumungo sa dulong bahagi ng kuweba kung saan naroon ang butas sa likod ng talon may mga batong nagsisilbing akyatan at babaan ng mga tao na hindi mahahalata kung ikaw ay nasa harap ng talon.

Nang makababa ang magkaibigan at malagpasan ang bumabagsak na tubig ay.....

" Oh my God!!!" Impit na na pagkasabi ni Theo. Napatakip naman sa bibig si Almira.

Isang lalaking walang pang-itaas ang naliligo sa talon. Nasa bewang nito ang tubig at makikitang dahan-dahan itong nagkukuskos ito ng katawan bagamat may benda pa sa braso.

" Frend si papa juls ang yummy at ang hot likod pa lang yan pano na lang yung sa harap! My gosssshhhh ang eyes ko!" Impit na tili ni Theo na agad sinapok ni Almira.

Napalingon naman si Julian na nabigla ng makita ang dalawa. Inilihis naman ni Almira ang tingin sa katawan ni Julian na bahagyang lumubog marahil nahiya. Nakangisi naman sa tuwa si Theo.

" Nandito ka pala Julian....maayos na ba pakiramdam mo sa braso mo at naligo ka ng mag-isa?" Tanong ni Almira.

" Huwag mo akong alalahanin Almira....maayos naman ang aking lagay. Patapos na rin ako...kayo naman...maliligo ba kayo?"

" Yes papa juls! Huwag ka ng umalis muna, magpapahilod kasi ako at hihiluran din kita!" Sabay hagikhik ni Theo kaya sinabunutan siya ng kaibigan.

" Umayos ka nga!....ah eh julian....mamaya hugasan natin ulit yang sugat mo, magpapakulo ako ng dahon ng bayabas."

" Salamat Almira....sige mauna na ako muna."

Umahon na si Julian kung saan kinuha na nito ang damit na nasa batuhan. Nakanganga naman si Theo ng makitang manipis na tila karsonsilyo ang suot ni Julian. Sa likod ng batuhang malalapad ay nagpalit ito ng kasuotan.

" Dioskoooo lord! Sana ako na lang ang batong iyon para nakikita ko ang dakilang nilikha ng diyos!" Agad itinulak ni Almira ang kaibigan sa tubig at tumalon na rin. Tawang-tawa si Theo sa suot ni Almirang pang-ligo dahil sa suot nitong parang duster na manipis na above the knee. Kulay puti ito na sa panahon nila ay hindi ganoon ang damit na pang ligo. Si Julian naman ay Umupo sa may batuhan ng marinig na nagkakasiyahan ang dalawa sa pagligo. Nanlaki ang mata niya ng makita ang hubog ng katawan ni Almira sa suot nito. Iniiwas niya agad ang tingin at baka makita siya nito at isiping  nagsasamantala sa pagtingin sa dalaga. Ngunit hindi niya maiwasang muling palihim na pagmasdan ito na nagsasabon na ng katawan at nakaupo sa batuhan. Bagamat bagong ligo ay pinagpawisan muli si Julian. Kaya mabilis na muling sumigaw at nagpaalam sa dalawa ng may mga dumating pang ibang tao na maliligo.

" Frend mukhang na tense si papa juls sa nakita niyang kaakit-akit kong katawan. Pinagmamasdan niya ako gossssshhhh!"

" Ikaw ng sexy at makinis!" Sagot ni Almira.

Nang magsawa ang dalawa sa paglangoy sa bahaging parang swimming pool ng talon ay muli itong umakyat sa batuhan at pumasok sa gilid ng bumabagsak na tubig.

Naamoy na agad nila ang nililitsong baboy na nagpasabik sa dalawa na makakain ng ganoon. Nagpalit ng damit sa kubol at muling nakihalubilo sa mga taong naroon. Umikot pa sila sa iba pang chamber ng kuweba para makita din ginagawa ng mga tao.

Bandang alas sais sa hapunan ay nagbukas si Almira ng dala nilang magkaibigan na de latang sardinas kakaiba pa ito sa klase ng sardinas sa future.  Iginisa nila ito sa sayote na nakita nilang marami na nakalagay sa isang kaing.

Agad naamoy ng mga batang sina socorro at julio ang niluluto ng dalawa at doon na namalagi ang mga ito. Ang ilang babae naman na mga anak, asawa ng pamilya nina mang agusto, mang esteban ay nagluluto na din. Ng makaluto ng hapunan ay binigyan ni Almira sa mangkok ang pamilya nina mang esteban pati ang iba. Nagsalo-salo sila at mula sa kabilang chamber kung saan naroon ang isang anak ni Lolo Agusto na may asawa ay nagdala ng ginataang malunggay na may mga maliliit na karne at sili saka adobo na nasa mangkok din. Agad itong inilagay sa mahabang mesa at tumikim na ang ilan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon