Chapter - 38

4.8K 133 10
                                    

Enero 03, 1942 matapos masakop ng mga hapones ang Maynila ay itinatag ang Japanese Military Administration. Pinamunuan ito ni Heneral Masaharu Homma bilang Direktor Heneral.

Sa patuloy na pagdami ng hukbong hapones sa Maynila ay napilitang umatras ang mga hukbong mga Pilipino at Amerikano patungong Bataan Peninsula.

Sa ibang lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao ay unti-unti na ring nasakop nila. Nagsimula na sila magsagawa ng mga bagay para baguhin ang sistema ng ating pamahalaan sa ilalim nila. Pero hindi naging madali iyon.
------------------------------------------------------

Sa ilalim ng pamamahala ni Don Honrado sa bayan ng Barcelona ay hindi iyon naging napakadali sa mga tao. May mga bagay itong ginagawa na lubhang nagpapahirap sa mga mamamayan. Ang mga bagay na iyon ay hindi nalalaman ng Heneral na si Sanzumaru Onoda. Lahat ng ginagawang hindi maganda ni Don Honrado ay sa utos ni Satoshi Fukoda na malupit sa tao. Hindi makapagsalita ang mga tao sa dahilang kamatayan ang kapalit niyon.

Hanggang isang araw ay nilisang pansamantala ni Sanzumaru ang bayan ng Barcelona. Tutungo ito ng lalawigan ng Albay at mananatili ito doon ng mga ilang buwan. Naiwan kay Satoshi Fukoda ang pamamahala sa Barcelona at ilang kalapit bayan.

Ikinatuwa ito ng Alkaldeng si Don Honrado. Ang magkaibigang Almira at Theo ay pinahintulutan naman ni Sanzumaru na manatili lang sa bayan.

Si Julian naman ay nakita na rin niya ang mga kaanak na lumikas, pati ang kanyang ina at kapatid. Sa tulong nina Mang Antonio at Esteban ay tuluyang nagkita-kita at nagkausap-usap ang mga kasamahan niya sa hukbo na nagtatago sa mga hapones.

Ang kinarorooanan ng dating alkalde ay narating na rin nina mang antonio at esteban. Nakarating na rin sa lugar na iyon ang magkaibigang Almira at Theo.

Sa lugar na iyon malayo sa kabayanan at mata ng mga hapones ay naganap ang mga pagpaplano laban sa mga hapones. Pinag-uusapan na nila ang mga ilang hindi magandang ginagawa ng ilang sundalo. Pati ang ginagawa ni Don Honrado at Satoshi Fukoda.

Ang mga bagay na iyon ay tuluyan na ring nalaman ng magkaibigan pero wala si Sanzumaru na kanilang masasabihan ng ginagawa ni Satoshi at Don Honrado. Isang linggo pa lang itong nawala pero madami ng hindi magandang nangyayari sa bayan.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon