Almira's POV
Sa ika sampung araw ng bakasyon namin ni Theo sa bayan ng Barcelona ay parang katumbas halos ng isang taon na mga pangyayari sa buhay namin. Pakiramdam ko tumanda ako ng isang taon sa naging pananatili ko sa nakaraang panahon.
Sakay kami ng van nina lola socorro at kasunod namin ang grupo nina kiro. Patungo kami sa bayan ng Gubat Sorsogon, isang bayan bago ang Barcelona.
Araw ng libing ni Julian. Tahimik ako sa aking kinauupuan katabi ko si Theo na nakasandal ang ulo sa upuan. Sa peripheral view ko ay gising siya ngunit tila nag-iisip....nakatitig sa kawalan. Hindi ko na lang siya inistorbo sa kanyang pananahimik. Marahil iniisip pa rin niya ang nangyari sa amin.
Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan napadaan kami sa lugar na natatanaw ang dagat. Kulay asul ito....banayad ang mga alon na para bang ipinapaalala sa akin na maging sila ay bahagi ng aming nakaraang paglalakbay sa nakaraan ng aking kaibigan.
Sa aming pagdating sa mansyon ng mga Estacio ay isang tanghalian ang nagaganap sa mga itinayong tent sa malawak na bakuran. Maraming sasakyan ang nakaparada maging sa labas na ng bakuran.
Sa pagpasok namin sa mansyon ay isa-isa ng isinasakay ang mga napakaraming bulaklak na naroon sa may ataul ni Julian. Nakita ko ang pamilya ni Julian na lahat ay nakaputi at naroon sa harapan at nakaupo ang iba ay dumudungaw pa rin sa labi nito. May ilang matanda na umiiyak pa rin marahil mga kaanak pa din nila.
Wala na kaming panahon pa magusap ni Julius...nginitian ko lang siya sa kinaroroonan nito. Naka shades ito at paminsan-minsay pinapahid ng panyo ang mata.
Eksaktong ala-una ay tumulak na kami papuntang simbahan ng Barcelona kung saan doon ang huling misa para sa kanya.
Malaking pamilya sina Julian makikita iyon sa mga taong naroon sa aking palagay. Hindi ko mabilang ang mga sasakyang sumama hanggang simbahan. Hindi rin ako makapaniwala na maging sa simbahan ay marami na ring tao. May media din na naroon dahil isa si Julian sa mga centenarian ng Bayan ng Barcelona kung saan talaga siya nanggaling. May nga sundalo ding naroon dahil dati din siyang sunda
Ang misa ay naging madamdamin lalo na ng magsalita si Julius na pinakabunsong apo nito. Pulis man ito ay hindi niya naitago ang pagluha habang inaalala ang mga bagay na pinagdaanan ng kanyang lolo sa panahon ng giyera at maging sa panahong apo na siya nito.
Hindi rin namin maitago ng kaibigan ko ang pag-iyak habang nakikitang pumipiyok na sa pagsalita si Julius. Ramdam ko at alam ko kung gaano niya kamahal ang lolo niya...ang taong nagmula at bahagi ng nakaraan at ngayoy nasa aking kasalukuyan.
Matapos ang halos isang oras na misa ay naghanda na ang lahat para dalhin sa huling hantungan ang labi ni Julian. Napakaraming tao ang naroon sa loob at labas ng simbahan. Marahil ang iba ay hindi naman kilala si Julian o walang alam sa mga nagawa nito. Nakikiusyuso lamang dahil naroon ang mayor ng bayan at gobernador ng lalawigan. Dagdag pa ang media na naroon din.
Sa paglabas ng simbahan ay dumiretso na kami sa van na sinakyan namin. Naka park ito malapit sa park sa kabilang kalsada harap ng simbahan.
Nangunguna ang funeral car at kasunod ang dalawang military truck kung saan naroon ang military band at ang mga sundalong sa aking palagay ay magbibigay ng 21 gun salute sa paglilibing kay Julian.
Hindi ko mabilang ang mga sasakyan. Ibat-ibang uri patungo lahat sa isang baryo kung saan naroon ang libingan ng mga namayapang mga taong bahagi ng kasaysayan ng bayan noong pangalawang digmaan.
Pagkalipas ng halos 20 mins ay narating na namin ang baryong hindi na mabubura ang kuwento ng nakaraan nito. Sa gilid ng kalsada kami nagpark kahilera ang napakaraming sasakyan. Sa harapan ay nagsibabaan na rin ang lahat dahil maglalakad lamang papasok sa bahaging iyon ng baryo na ginawang libingan.
BINABASA MO ANG
IN ANOTHER PLACE AND TIME
Historical FictionCompleted 081717 #1 in Timetravel 020819 #5 in His Fic 031518 #2 in His Fic 062317 #3 in His Fic 062217 Samahan po natin ang magbestfriend na Almira at Theo sa kanilang adventures sa nakaraan. Magkaibigang puno ng kasiyahan sa kabila ng minsay nakak...