Chapter - 69

4.8K 150 31
                                    

Dumating ang araw ng pagpapalabas sa Japan ng dokyung kinunan sa Pilipinas kung saan ang naging buhay ng isang Heneral na Hapones. Si Heneral Sanzumaru Onoda. Ang naturang dokyu ay ipinalabas din sa isang tv network sa Pilipinas.

Maraming na curious na mga tao sa buhay ng Heneral dahil sa naiwang diary nito na itinago ng isang batang babae noong kapanahunan ng digmaan. Kung saan sa panahon ito ay buhay pa siya at maraming bagay siyang nasabi tungkol sa Heneral.

Dagdad pa ang tila pelikulang naging takbo ng buhay nito ng traydorin ng kapwa mga hapones na sundalo at kupkupin at pagmalasakitan ng mga Pilipino noon.

Kaya maraming nag-abang nito na mga Hapones at Pilipino.
.
.
.
Almira's POV

Bukas na ang balik namin ni Theo sa Maynila. Katatapos lang naming mapanood sa tv ang dokyu na ipinalabas din sa Japan. Napakaganda ng pagkagawa nito parang totoo nasa giyera talaga ang pagkagawa ng mga eksenang alternate ng narration.

Hindi magkamayaw sa katuwaan si Harold sa pagyayabang niya na magaling daw siyang artista at guwapo. Doon kasi kami sa bahay nina lola socorro magkakasamang nanood. Pero sa plaza daw ng bayan kung saan may malaking tv ay napakaraming nanood na mga tao.

Matapos ang naturang panonood ay nagpaalam na kami sa pamilyang Locsin. Pamamaalam na muli na kaming babalik sa Maynila dahil may mga Trabaho kaming babalikan.

Maski papano ay malungkot talaga kami ni Theo. Wala silang kaalam-alam na halos mag-isang taon kami sa bayan ng Barcelona sa past.

Nagpasalamat kami sa mga pagpapatuloy nila sa amin at sa pagturing na kapamilya. Nalaman ko na rin kay lola Socorro na ang bahay palang ipinamana sa akin ni sister soledad ay ipinatayo ng ama ni sister pagkatapos ng giyera. Ang ama daw pala ni Sister ay tubong Maynila na negosyante. Nakilala ang ina ni Sister sa bayan ng Casiguran Sorsogon at ipinatayo ang naturang bahay para dito manirahan. Ang masaklap ay may tunay na pamilya sa Maynila ang ama ni Sister.

Ang mama daw ni Lola Socorro na walang iba kundi si Aling Trinidad ang nagsilbing matalik na kaibigan ng ina ni Sister at caretaker na rin ng bahay sa panahong nagkasakit na ng cancer na malubha ang ina niya. Namatay ito noong nasa kolehiyo na si Sister sa Maynila at naging madre na pagkatapos noon at bihira ng umuwi ng Barcelona.

Ang bahay pala nina lola socorro sa Paco Maynila noon na amin ding napuntahan ng kaibigan ko ay naabo ito sa malaking sunog noon sa Maynila kung saan naging mapangahas na at suicidal na ang mga hapones dahil natatalo na sila ng mga sundalong Pilipino at pagbalik ni Mc Arthur at kanyang hukbo noong mga late 1944 at early 1945. Sinunog ng mga Hapones ang Maynila at maraming pinatay sa kanilang pag-atras.

IN ANOTHER PLACE AND TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon