Mukha Ng Pag-ibig

9.3K 70 13
                                    

Sabi nila mahirap ang umibig.
Ngunit ano nga ba ang
"pag-ibig"?
Ito ba'y isang bagay na kailangang ipadama?
Ito ba'y kailangang ipamahagi sa kapwa?

Ilang mukha ba ang meron sa pag-ibig?
Bakit marami dito'y nahihilig?
Maaaring marami na sa inyo ang nakakaalam nito.
Pero hayaan niyong isa-isahin ko ang mga ito.

Unahin na natin ang pag-ibig sa kapwa.
Ito ang kadalasang ipinapadama sa mga taong mahalaga.
Maaari rin itong ipadama sa mga taong nasa paligid natin.
Mula sa pamilya, kaibigan, maging sa kasintahan rin.

Ang pag-ibig sa kapwa ay mahalaga.
Dahil ito ang nagsisilbing koneksyon natin sa isa't-isa.
Ito rin ang unang natutuhan natin mula sa ating mga magulang.
Noong mga panahong wala pa tayong muwang.

Ayon sa kasaysayan, ang ating mga bayani'y namatay para ating bayan.
Ngunit ang tanong, kailangan pa bang gawin yan?
Para lang maipakita ang ating pagiging makabayan?
Kailangan ko pa bang ibuwis ang aking buhay para lang patunayan na mahal ko ang lupang sinilangan?

Bawat isa sa atin ay may kailangang gampanan.
Dahil sa ganitong paraan maipapakita na ang pagmamahal sa bayan.
At hindi mo iyon maaaring tanggihan o takasan.
Dahil unang-una ang bayan na ito ay ang iyong pinagmulan.

Dapat nating ipagmalaki ang ating kultura't kasaysayan.
Dahil kung hindi, makaka-sama iyon sa iyong kapwa at bayan.
Kaya halina't sabay-sabay natin itong gawin.
Sama-sama nating paunlarin ang bayan natin.

Ang ikatlong mukha ng pag-ibig ang pinaka-mahalaga.
Dahil ito ay ang pagmamahal natin sa ating Ama.
Ang lumikha ng lahat ng bagay sa mundo.
At ang dahilan kung bakit tayo nandito.

Bawat isa sa atin ay nagkakasala.
Bawat isa sa atin ay nagkakaroon ng problema.
At kailanma'y di tayo tinalikuran ng ating Diyos.
Sa halip ay tinulongan Niya tayong ilagay ang sarili natin sa ayos.

Kailanma'y di Siya tumigil sa pagmamahal sa atin.
Di Siya nagsasawang patawarin tayo sa mga sala natin.
Lagi Siyang nariyan para pakinggan ang mga dasal natin.
Kaya dapat lamang natin mahalin ang Diyos nating maawain.

Ang pag-ibig sa atin ng Diyos ay walang katapusan.
Lagi niyo sana itong tatandaan.
At hangga't may tiwala tayo sa ating Panginoon...
Tutulungan Niya tayong makaahon.

Ang pag-ibig ay isang bagay na hindi mo naririnig o nakikita.
Ito ay isang bagay na tanging puso lang ang nakakadama.
Ito rin ay isang bagay na hindi mo mabibili sa anumang halaga.
At gaano man ka-sama ang isang tao, meron paring natitirang pag-ibig sa puso nito.

Ngayon alam mo na na ang pag-ibig ay may tatlong mukha.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Dito rin nagtatapos ang aking tula.
Sana'y nagustuhan niyo ang aking akda.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now