Maswerte Ka

227 2 0
                                    

Kamusta binibini? Maaari ba kitang makausap sandali?
Kahit ilang minuto lamang ay sapat na sakin, binibini.
Di mo kailangang mangamba, sapagkat wala akong gagawing masama.
Hindi kita sasaktan o aawayin, kaya wag ka nang mag-alala.

Ah, pasensya na. Hindi pa nga pala ako nakakapagpa-kilala.
Ako nga pala yung dating kasintahan niya.
Minsan na rin akong naging parte ng kanyang nakaraan.
Sino ang tinutukoy ko? Yun ay yung tao na sa iyo'y nakipag-kaibigan.

Tulad ng sinabi ko, hindi kita aawayin o babantaan.
Bakit ko naman iyon gagawin kung wala na kong sapat na dahilan?
Narito ako upang humingi ng pabor at makiusap sa iyo.
Nakikiusap ako sayo, ingatan mo ang kanyang puso.

Ramdam kong ikaw na yung nagugustuhan niya.
Hindi niya man iyon aminin, yun ang aking nadama.
Marahil ay hindi niya alam na ipinadama niya sakin na may nagugustuhan na siyang iba.
Kaya nung araw na iniwanan niya ko, hindi na ako nagtanong o nagtaka pa.

Paumanhin binibini, subalit hindi ko kayang ikuwento ang buong istorya.
Napaka-sakit pa rin kasi kahit matagal na kaming wala.
Ang pinagkaiba lang, may nakakapitan na siya.
Samantalang ako, nangungulila pa rin sa kanya.

Alam mo ba na napaka-swerte mo, binibini?
Hindi dahil sa maganda ang iyong ngiti.
Hindi dahil sa matalino ka o maganda ang iyong mukha.
Maswerte ka sapagkat yung taong mahal ko, nagugustuhan ka.

Maswerte ka, dahil mukhang masaya na siya sa iyo.
Maswerte ka, dahil nakikita mo ang mga ngiti na nagpatibok ng aking puso.
Maswerte ka, dahil ikaw na ang sinasabihan niya ng mga matatamis na salita.
Mga bagay na dati sakin niya lang ginagawa.

Maswerte ka dahil nakuha mo ang atensyon niya.
Maswerte ka dahil yung ginagawa niya sakin noon, sayo na niya nagagawa.
Maswerte ka dahil hindi ikaw ang lumuluha.
Maswerte ka dahil hindi ikaw yung iniwanan mag-isa.

Binibini, maaari bang bigyan mo siya ng pagkakataon?
Pagkakataon na patunayan na tunay ang nadadama niya ngayon?
Maaari bang hayaan mo siyang manligaw sayo?
Maaari bang bigyan mo siya ng pagkakataong alagaan ang iyong puso?

Pasensya na kung napaka-dami kong pabor na hinihingi sayo.
Nais ko lang kasing sumaya at ngumiti yung taong mahal ko.
Hindi man kami ang nagka-tuluyan, iisa pa rin ang gusto ng aking puso.
At yun ay ang maging masaya siya kahit sa piling ng ibang tao.

Subalit, hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili, binibini.
Ayoko rin kasing mahalin mo siya pabalik nang dahil lang sa iyon ang aking hiningi.
Pakiusap, huwag mo siyang paasahin at paghintayin sa wala.
Dahil batid kong masasaktan siya nang husto kapag iyon ay iyong ginawa.

Pakiusap, wag mong iparanas sa kanya ang ginawa niya sa akin.
Hangga't maaari, huwag mong sasaktan lagi ang kanyang damdamin.
Dahil kahit nasaktan niya ko, sa aking mga mata, siya pa rin ang pinaka-perpektong nilalang.
At ang mga tulad niya, ay hindi dapat binabaliwala o sinasayang.

Kaya binibini, pakiusap, wag mo siyang sasaktan.
Yung kanyang ngiti at pagtawa, ikaw na ang dahilan.
Pakiusap binibini, ingatan mo siya.
Dahil mahal na mahal ko yung taong nasa kamay mo na.

Hindi ako galit, nagpapasalamat pa nga ako sayo.
Kasi yung taong mahal ko, napapasaya at napapangiti mo.
Kaya pakiusap, wag mo siyang sasaktan.
Dahil siya yung kaisa-isang tao na minamahal ko nang lubus-lubusan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now