Pwede Po Ba?

284 2 0
                                    

Mawalang galang lang po, pero... Nakakasawa na kayo.
Dati kapag nag-aaway kayo, umiiyak ako.
Pero ngayon, nakakawala na ng gana.
Kayo lang nag-aaway, kaya wag niyo na po kaming isama.

Kung nagkaka-initan kayo ng ulo, kayo lang, pwede po ba?
Kasi sa ginagawa niyo, naiipit na kaming dalawa.
Oo labing-pitong taon gulang na ko, pero yung kapatid ko paano?
Bata palang siya, tapos ito ang makikita niya dito?

Pwede po ba tama na?
Pwede po ba tigilan niyo nang dalawa?
Kasi sa totoo lang, napapagod na din po ko.
Napapagod na kong makita na palagi nalang ganito.

Wala akong sinisisi sa inyong dalawa.
Dahil pare-parehas lang naman tayong may maling nagagawa.
Pero kung ganito nalang palagi, paano pa iyon maita-tama?
Pakiusap mama at papa, tama na po, pwede ba?

Hindi nga pala ako pwedeng umiyak, hindi dapat.
Kailangan kong maging matatag para sa kapatid kong nakikita din ang lahat.
Kawawa naman ang aking mahal na kapatid, nararanasan nang madama ang sakit.
Sakit na dinidedma naming pilit.

Pwede po ba huwag na kayong magsagutan?
Pwede po ba huwag na kayong magsakitan?
Sa ginagawa niyo mas lalong lulubog ang barko.
Barko ng isang pamilyang magkasama niyong binuo.

Nakakatawang isipin na nagawa ko pang tumula.
Sa ganitong paraan ko lang kasi kayang iparating ang aking nadadama.
Dito ko nagagawang ilabas ang  lahat dahil wala na yata akong luha.
Naubos na yata nang dahil sa kanilang dalawa.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now