(Requested)
Naaalala ko pa kung paano kita nakilala.
Buwan ng Hulyo, nasilayan ko ang iyong mukha.
Sa sandaling nagtama ang ating mga mata, doon ko na nadama.
Tumibok ang puso, humanga sa iyong ganda.Ang iyong mga mata'y parang mga tala sa kalangitan.
Kumikinang, maririkit, at kay sarap pagmasdan.
Itim na buhok, maputing kutis, at rosas na mga labi.
Kapag naiisip kita, hindi ko maiwasan ang mapa-ngiti.Wala nang mas tatamis pa sa ngiti na iyong ipinapakita.
Ngiti na nagpalalim ng aking nadadama.
Sa iyong ugali't pagkatao'y mas lalo akong humanga.
Hindi ka naman manhid pero, bakit hindi mo madama?Bakit nga ba hindi mo makita?
Bakit hindi mo makita na pinapangarap kita?
Wala naman akong ginagawang masama pero, bakit lumalayo ka?
Wala namang masama sa ginagawa ko, hindi ba?Hindi naman masama ang ipadama sa'yo na gusto kita.
Kaya labis akong nagtataka sa bawat pag-iwas na iyong ginagawa.
Maniwala ka, sinubukan ko nang lumayo sa iyo.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya, pero bumabalik pa rin ako.Hindi ko alam kung bakit ipinagtutulakan ko ang sarili ko sa'yo.
Hindi ko alam kung bakit pinipilit kong pasukin ang sarado mong puso.
Ikaw ang magnet, samantalang ako ang metal.
Metal na hindi makalayo sa'yo at unti-unting natututong magmahal.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...