Paalam, Kapatid

583 0 1
                                    

(Requested by:
Ang_abongmapagmahal)
( P.S.
Good evening. Sorry po kung natagalan sa pagpublish. Busy rin po kasi ako sa mga gawain sa school eh. I hope magustuhan mo po, feel free to correct me if ever na may mga maling detalye sa tulang ni-request mo para ma-edit po. Salamat.)

~~~~~~

"Paalam, Kapatid"
By: OtakuZone

Hindi tayo magka-dugo.
Hindi rin tayo magkaanu-ano.
Subalit, ikaw ay naging parte ng pamilyang ito.
Ika'y naging kapatid namin sa puso.

Isang kapatid na palaging nariyan.
Ibinabahagi ang kabutihan sa sambayanan.
Isang tapat na taga-paglingkod ng tahanan na ating pinagmulan.
Isang kapatid na tinutulungan ang mga naligaw sa kadiliman.

Sapat na iyan upang masabi ko na ika'y isang mabuting tao.
Ikinagagalak kong makilala ang isang tulad mo.
Nakasisiguro ako na hindi lamang ako ang humahanga sa iyo.
At sa iyong paglisan, sana'y hindi ka magbago.

Sana'y patuloy mong ibahagi ang salita ng Diyos.
Sana ang iyong buhay ay maging maayos.
Nakalulungkot isipin na kailangan mo nang magpaalam at pasukin ang isang panibagong mundo.
Pero ayos lang, dahil alam kong may magandang plano Siya para sa buhay mo.

Paalam kapatid, nawa'y matagpuan mo ang iyong hinahanap.
Nawa'y magbunga ng maganda ang panibagong yugto ng iyong hinaharap.
Hindi namin kalilimutang ipagdasal ang iyong kaligtasan.
Palagi mo sanang tatandaan na nandito lang kami kapag wala ka nang malapitan.

Paalam kapatid, mag-iingat ka sa iyong paglalakbay.
Sana'y hindi mo malimutan na naging parte rin kami ng iyong buhay.
Nawa'y baunin mo ang ating mga alaala sa iyong paglisan sa ating tahanan.
Asahan mong mananatili ka sa aming mga puso't isipan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now