(Requested by: YourBaeAlways
P.S.
Good day! Pasensya na kung natagalan yung pagpublish ng tula na ini-request niyo. I've been very busy with school lately, kaya hindi ko napag-focusan yung pagsusulat ng mga tula. Bukod dun, it's not easy to create a poem ng may condition o sukat na dapat sundin dahil di pa po ko sanay. I hope you'll understand. Feel free to tell me kung may maling detalye para ma-edit ko agad. Salamat.)
~~~~~~~
"Bayani"
By: OtakuZone
Mahal kong mga guro
Salamat po sa inyo
Handog ko'y isang tula
Sana kayo'y matuwa
Kayo'y mga bayani
Na nariyan palagi
At kahit walang kapa
Tumutulong sa kapwa
Tumutulong abutin
Mga pangarap namin
Mag-aral ng mabuti
Pagsisikap ang susi
Iyan ang natutunan
Bukod sa Math at Agham
Hindi man matalino
Nariyan parin kayo
Laging ginagabayan
Ang mga kabataan
At hindi nagsasawa
Maliit man ang kita
Kayo'y mga bayani
Salamat nang marami
Tulad ng isang nanay
Kayo'y dakilang tunay
At kami'y nagsisisi
Sa aming isinukli
Naging sakit ng ulo
Pasaway din sa inyo
Pasensya'y hinabaan
Laging pinagbibigyan
Inyong pinagsabihan
At kami'y natauhan.
Ito'y wala sa aklat
Puso namin nag-sulat
Wala pong halong biro
Lahat po ay totoo
Maraming salamat po
Ito'y para sa inyo
Ito'y simpleng regalo
Sana'y natuwa kayo
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...
