Sariling Medisina

481 1 0
                                    

Tahimik, tulala, biglang papatak ang mga luha.
Iiyak, sisigaw, mailabas lang ang sakit na nadadama.
Yuyuko, mananahimik, pilit gigisingin ang sarili.
Magwawala, masasaktan, dahil iba na ang dahilan ng iyong ngiti.

Mahirap tanggapin na ang minamahal ko'y hindi na akin.
Binitawan, iniwan, mas pinili ang bago niyang iibigin.
Mag-isa, naliligaw, wala na kong matakbuhan.
Uupo, manonood nalang, kung paano mo siya liligawan.

Iiyak at iiyak hanggang sa maubos ang mga luha.
Masasaktan at masasaktan hanggang sa ang puso ko'y bumigay na.
Sisigaw at sisigaw hanggang sa ang boses ay mawala.
Aasa at aasa na baka sakaling babalik ka pa.

Mabibigo, tutumba, ngunit patuloy na tatayo.
Mananatili, maghihintay, baka magbago pa ang isip mo.
Dededmahin, babaliwalain, ang sakit at kirot sa puso.
Iibig, magmamahal, kahit nasasaktan na ko.

Hihinga, mabubuhay, para sa iyo mahal ko.
Ibibigay, i-aalay, ang sarili kong puso.
Kikirot, mababasag, sa bawat pagtanggi mo.
Aatras, tatakbo, upang ayusin muli ang bawat piraso.

Babalik, ngingiti, i-aabot muli.
Itutulak, lalayuan, sakit ang iyong ganti.
Luluha, magdadamdam, ngunit mananatili akong nakangiti.
Tatalikod, maglalakad, hindi ipaparinig sayo ang paghikbi.

Lalabas, bibisita, sa dating tagpuan.
Aalalahanin, pupulutin, ang mga alaalang naiwan.
Bubuoin, aayusin, ang pusong nawarak.
Titigil, tutulala... At muling iiyak.

Tanggap kong iba na ang iyong gusto.
Ngunit kinakailangan pa bang utusan mo ko?
Utusan na tumigil sa pagmamahal at pag-aalala sayo?
Kailangan mo pa bang idiin na wala nang tayo?

Sinungaling ka, mahal ko.
Sabi mo ako lang ang laman ng iyong puso.
Ngunit bakit ang bilis mong nakahanap ng bago?
Kaya mo ba ko iniwan dahil may bago nang mag-aalaga sayo?

Maganda siya, mabait, matalino, PERPEKTO.
Di tulad kong lalaki pumorma, matalino, ngunit simpleng tao.
Nakaka-inggit, dahil siya na ang bagong laman ng iyong puso.
Nakakalungkot, dahil siya na ang bagong mahal mo.

Isa, dalawa... Dalawang taon, mahal ko.
Ganyan katagal ang tinagal ko sayo.
Ngunit kahit tapos na, minamahal pa rin kita.
Ganyan katatag ang pag-ibig ko sayo, sinta.

Sa sobrang tatag, nagawa kitang palayain para lang lumigaya ka.
Dama ko rin kasi na sawang-sawa ka na.
Ikaw na rin mismo ang nagsabing nawawalan ka na ng gana.
Kaya nung bumitaw ka na, wala na kong nagawa.

Pipikit, tatakbo, pilit tatakasan.
Tatakasan ang mga alaala ng ating nakaraan.
Mapapagod, magpapahinga, bigla kang maaalala.
Kung kaya't heto ako, pabalik-balik sa simula.

Iiyak, aasa, kailan ba ko makakalaya?
Kailan ba ko makakalaya mula sa mga tanikala?
Tanikalang nakapulupot sa pusong nangungulila.
Nangungulila't nagdurugo magmula nung nawala ka.

Titingala, hihiling, na sana'y matapos na.
Matapos at matuldukan ang sakit na nadarama.
Damdamhin, nanamnamin, ang solusyon ay iisipin.
Upang maghilom na, maraming mga gamot ang dapat gamitin.

Kalayaan. Kalayaan mula sa nakaraan.
Kalayaan mula sa mga alalaang naiwanan.
Kalayaan mula sa bawat segundong naaalala kita.
Kalayaan mula sa saya na iyong ipinadama.

Tanggapin. Tanggapin ang desisyon mong itigil na.
Tanggapin na wala na kong pag-asa.
Tanggapin na kahit maghintay ako hindi ka na babalik pa.
Tanggapin na siya na ang bago mong minamahal, sinta.

Tanggalin. Tanggalin sa isipan ang ating mga alalaa.
Tanggalin paunti-unti ang pagmamahal na sa iyo'y nadadama.
Tanggalin ang tanikala kahit paunti-unti.
Tanggalin sa isipan ang larawan mong naka-ngiti.

Umiyak. Umiyak hanggang sa maubos ang mga luha.
Umiyak hanggang sa ako'y mapagod na.
Umiyak hanggang sa ang sakit ay mabawasan.
Umiyak hanggang sa magising at matauhan.

Palayain. Palayain ka mula sa pagkakagapos sa aking puso.
Palayain ka mula sa pagkakakulong sa isip ko.
Palayain ka upang di na masaktan pa.
Palayain ka upang ang hirap ay di na madama.

Patawarin. Patawarin ka sa lahat ng sakit na iyong ipinadama.
Patawarin ang sarili sa lahat ng pagkakamali ko nung tayo pa.
Patawarin ang lahat ng iyong nagawa.
Patawarin ang sarili dahil di ako naging sapat para sayo, sinta.

Magdasal. Magdasal na sana matapos na ito.
Magdasal upang ito'y malagpasan ko.
Magdasal upang mapadali ang pag-kumpuni ko sa nawarak kong puso.
Magdasal para sa kaligtasan at kaligayahan mo.

Magpasalamat. Magpasalamat para sa mga alaalang babaunin ko.
Magpasalamat sa saya at pag-ibig na ipinadama mo.
Magpasalamat sa bawat oras na lumipas noong mayroon pang tayo.
Magpasalamat dahil inalagaan at pinasaya mo noon ang aking puso.

Oo, ito ang mga sarili kong medisina.
Medisina na gagamitin upang ako'y gumaling na.
Mananatili ka sa alaala at puso, ngunit ang nadadama'y unti-unting mawawala.
Oo, ito ang epekto ng medisina na gagamitin ko, sinta.

Dahan-dahan lamang, hindi ko mamadaliin.
Nais ko munang sulitin ang panahon na ikaw pa ang nagpapaibig sakin.
Ikaw ang UNANG nagpatibok sa aking puso.
Kung kaya't hindi ka ganun kadaling burahin sa puso't isipan ko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now