May tatlong tao akong nakita.
Nang-iwan, sinaktan, pinaluha.
Ngunit, ang may taglay na tapang ay iisa.
Siya ang nagsabi ng katagang, "Tama na".Tama na.
Ako'y pagod na.
Wala akong mapapala kung hihintayin ko siya."Hindi siya dapat iyakan", ang sabi.
Pinilit palitan ang luha ng isang ngiti.
Ngunit, sa ginawa'y mas naramdaman ang hapdi.
Ang pusong naghihilom ay muling nahati.Ha-ha-ha.
Ano na?
Bakit ba sa dami ng tao, siya pa?May tatlong tao akong nakita.
Nakalimot, naka-move on, masaya na.
Ngunit, may isang lumuluhang mag-isa.
Siya ang patuloy na umaasa sa wala.Bumalik ka na.
Mahal pa rin kita.
Siya ang kumakapit sa lubid na putol na.Sa isang sulok may nagsisisi.
Minahal nang lubos, ngunit ito ang kanyang ganti.
Relasyong masaya, ipinagpalit sa isang gabi.
Siya ang nais ibalik ang lahat sa dati.Nasaktan ko siya.
Pangako'y nasira.
Gagawin ang lahat, huwag ka lang mawala.May tatlong tao akong nakita.
Naghabol, lumuhod, nagmakaawa.
Ngunit, ang lahat ay napunta sa wala.
Siya ang taong hindi na binalikan pa."Patawad, sinta".
"Sarili'y aayusin na".
Siya ang taong hindi na pinagkatiwalaan pa."Mahirap umibig", ang sabi.
"Isang sugal na kung saan kailangang mamili."
Kailangang galingan kung ayaw magsisi.
Sa halip na ligaya, madadama'y pighati.Tadahana'y mapagbiro.
Pag-ibig ay isang laro.
Mananalo ka kung ang nadadama'y totoo.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...