Marahas Ang Realidad

518 2 5
                                    

Hayaan mong i-kuwento ko sa inyo ang buhay na mayroon ako.
Ngunit paano ko uumpisahan ang isang istoryang magulo?
Paano ko nga ba ito maipaparating nang maayos sa inyo?
Siguro, mas madali at mas makabubuti kung hindi ko muna iisipin ang dulo.

Maaga akong namulat sa pait na hatid ng realidad.
Pagdating sa pighati at trahedya, wala talagang pinipiling edad.
Bata pa lamang ay nangulila na ako sa aking ina.
Kung alam ko lang na maaga siyang mawawala, sana pala niyakap ko siya.

Ngunit kahit ganun, desente at marangya ang pamumuhay na ibinigay sa akin ng aking ama.
Lahat ginagawa at ibinibigay niya para lang ako'y mapasaya.
Siya na ang pinaka-mabuting ama sa aking mga mata.
Ngunit, lahat ng iyon... Ay "akala ko" lang pala.

Nang namulat ako sa kapaligirang ginagalawan ko, hindi ko na sila naiwasang pagdudahan.
Unti-unting dumadami at nadadagdagan ang mga tanong sa aking puso't isipan.
Paano ka nakakasigurong ikaw ay ligtas mula sa mga taong gumagawa ng dahas?
Paano mo nasisiguro na ang pamilyang sinasandalan mo, ay hindi isa sa mga mapanlinlang na ahas?

Sa mundong ginagalawan ko, walang sigurado.
Kailangan magaling kang mamili ng pagkakatiwalaan mo.
Dahil sa mundong ito, pera lamang ang nagpapatakbo.
Ang pagkakaroon ng tapat na kaibigan, hinuhukay sa lupa na parang ginto.

Bihira. Bihira ang mapayapa at tahimik na araw.
Kailangan malakas ang kapit mo dahil marami kang kaagaw.
Kailangang maging mautak upang hindi ka mahila pababa.
Ganyan ang patakaran sa mundong pinapaikot ng kapangyarihan at pera.

Hindi ko inaasahan na ganito ang aking matutuklasan.
Hindi ko inakalang naglihim sakin ng taong lubos kong pinagkatiwalaan.
Siguro nga masyado pa akong bata kaya hindi ko maintindihan.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niya akong paniwalain sa isang kasinungalingan.

Masakit. Masakit dahil ama ko mismo ang gumawa.
Akala ko wala siyang ginagawang masama.
Akala ko aksidente lamang ang pagkamatay ng aking ina.
Yun pala, lahat ng alam ko tungkol sa aming buhay ay gawa-gawa lang pala.

Mas mabuti na siguro yung nalaman ko na ngayon ang totoo.
Mas mabuti na rin ito dahil kahit papaano nai-kuwento ko pa sa inyo.
Ang masasabi ko lamang sa inyo ay huwag kaagad magpaniwala.
Dahil may mga bagay na hindi natin makikita kahit gaano pa ka-linaw ang ating mga mata.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now