(Dedicated to my former classmates and former advisor)
Ang bilis tumakbo ng panahon.
Para bang dinaanan lang tayo ng isang taon.
Parang kahapon lang hindi tayo magkakakilala.
At hindi ko inakalang ituturing ko kayong pamilya.Sa loob ng isang taon, ang daming nangyari.
Isang taong puno ng tawanan at ngiti.
Isang taong puno ng kabaliwan at kalokohan.
Na siyang dahilan ng ating matatag na samahan.Naaalala niyo pa ba yung mga oras na kung saan...
Kapag may pagsusulit, lagi tayong nagkokopyahan.
Manghihingi ng barya sa tuwing may babayaran.
Manghihingi ng papel sa tuwing kinakailangan.Sa tuwing may takda, minsa kumokopya tayo sa isa't-isa.
Lahat ng kalat nawawala sa tuwing Math na ang asignatura.
Bawat panig ay ayaw magpatalo
Sa tuwing nagde-debate tayo.Sa tuwing nag-iingay, di mawawala ang bantay.
Na syang sumisigaw sa tuwing sumusobra na ang ingay.
Mayroon ding nakatambay sa pinto.
Tinitignan kung paparating na ba ang ating guro.Di rin mawawala ang mga talentado.
Sa pangkat ng Topaz, marami ang ganito.
Mula sa mang-aawit na magagaling.
Hanggang sa mga mananayaw na kahanga-hanga ang pag-giling.Nakakabilib din ang talino ng iba.
Lalo na pagdating sa Matematika.
Nakakabilib din ang sipag at tiyaga ng iba.
Na ginagawa ang lahat ng makakaya para lang makapasa.Nakakabilib rin ang ating tagapayo.
Na magaling magturo kaya agad tayong natututo.
At kahit maingay tayo...
Hindi siya tumitigil sa pagtuturo.Hindi ko mabilang ang mga alaalang nabuo.
Mga alaalang babaunin ko.
Sobrang bilis tumakbo ng panahon.
Dahil magkakawatak-watak na tayo ngayon.Hindi ako marunong mangako, pero ako'y sigurado.
Na ang mga alaalang ito ay hindi maglalaho.
Magkakaiba man ang direksyo na ating tatahakin...
Alam kong ang ating mga landas ay muling pagtatagpuin.At ngayon ako'y magpapaalam na.
Dito ko na rin tatapusin ang aking tula.
Paalam na Topaz at Gng. Fronda.
Hanggang sa muling pagkikita.

YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...