Sa Buwan Ng Pebrero

401 2 3
                                    

Buwan ng Pebrero o mas kilala bilang, "Buwan ng mga Puso".
Sa buwan na ito nagiging uso ang pag-amin sa taong gusto mo.
Nagiging uso dito ang pagbibigay ng mga bulaklak at regalo.
Ilan lamang iyan sa mga bagay na nangyayari sa buwan na ito.

Sa buwan ng Pebrero, kalat ang mga magkasintahan sa kalsada.
May mga magkasintahan na sumasakay sa mga kalesa.
May mga magkasintahan na bumibili at kumakain.
At may mga magkasintahan din naman na nais panoorin ang mga bituin.

Sa buwan ng Pebrero, maraming naglalambingan.
May mga naghahawak kamay at may ilan ding nagyayakapan.
Yakap dito, halik doon, sabay papasok sa loob ng kuwarto.
Ops! Kalma lang, manonood lamang sila at hindi nila gagawin ang nasa isip mo.

Sa buwan ng Pebrero, marami din ang mga taong, "bitter".
Sila yung mga nagmumukmok dahil iniwanan sila ng kanilang, "forever".
Tunay nga na ang pag-ibig ay parang karayom na matulis.
Kapag hindi ka nag-ingat, siguradong masasaktan ka nang labis.

Sa buwan ng Pebrero, maraming tutulala at iiyak.
Mga taong nabigla dahil ang kanilang mga puso'y nabiyak.
Paano? Simple lamang ang sagot sa tanong mo.
Sa buwan na ito, madalas nahuhuli ang mga manloloko at may mga nagbi-break dito.

Sa buwan ng Pebrero, maraming tricycle sa bawat daan.
Alam ko na ang pagiging "third wheel", ay inyo na ring naranasan.
Yung tipong isasama ka para lamang payagan sila ng kanilang mga ama't ina.
May kasama pa na blackmail para lang siguradong sasang-ayon ka.

Sa buwan ng Pebrero, ang mga langgam ay magpi-piyesta.
Hindi lang dahil sa tsokolate, kundi dahil din sa mga matatamis na salita.
Sa sobrang tamis, akala mo'y binudburan na ito ng sandamukal na asukal.
Ang maririnig mo'y walang katapusang, "I love you, mahal".

Love na nga, mahal pa, kaya saan ka pa?
Sa buwan ng Pebrero, normal na iyan sa ating panlasa.
Mababalot ng asukal ang kalsada, kaya mag-iingat ka.
Baka kasi makita mo yung mahal mo, may kasama na palang iba.

Hindi natin maipagkakaila na masakit iyon sa damdamin.
Yung naniwala ka sa kanyang ikaw lang ang kanyang iibigin.
Tapos sa buwan ng Pebrero, may kasama siyang iba.
Ano ba ang mas makapal, yung libro mo o siya?

Bato, bato sa langit, ang tamaan edi magalit.
Wala naman akong pangalan na binaggit.
Kaya kung ika'y natamaan, ibig sabihin ganoon ka.
Na sa buwan ng Pebrero, iyon ang balak mo sana. ;)

Sa buwan ng Pebrero, ipagdiriwang natin ang Buwan ng mga Puso.
Ibahagi natin ang pag-ibig, wag natin ipagdamot ito.
At kung ikaw ay may kasintahan, ingatan mo siya't alagaan.
Wag ka nang maghanap ng iba, makuntento ka sa inyong pagmamahalan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now