Selos

1.2K 4 0
                                        

Alam ko madaming beses na nating napagdaanan ito.
Pero hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman ko.
Pakiramdam ko gusto kong magwala.
Gusto kong magtampo at tanungin kung sino sila.

Siguro napapansin mo na minsan ang tahimik ko.
Kung minsan pa nga'y mas malamig pa ko sa yelo.
Tinatanong mo ko minsan kung ayos lang ba ako.
At ang sagot ko'y isang simpleng "Oo" at tahimik na pagtango.

Pero alam ko na nahahalata mo.
Na yung sagot ko sayo'y di totoo.
Dahil sa pinipilit mo kong magsabi at umamin sayo.
Sa tingin ko'y hindi mo talaga alam kung bakit ako nagkakaganito.

Oo nakakairita para sayo yung ugali na aking pinapakita.
Pero mas naiirita ako dahil kinakausap ka nila.
Oo kaibigan lang ang turing mo sa kanila.
Oo lahat ng yun ay walang malisya.

Pero hindi ko pa rin mapigilan ang mairita.
Bakit? Wala na ba silang makausap o matanong na iba?
At sa lahat pa talaga ng tao, ikaw pa ang napili nila?
Ikaw na nananahimik at nakaupo ng mapayapa?

Pero bakit hindi ko masabi sayo ng direktahan?
Bakit hindi ko masabi na nagseselos ako sa mga babaeng yan?
Gusto kitang dukutin at itago mula sa mundo.
Ng sa gayo'y walang ibang makakakita sayo kundi ako.

Ngunit yun ay isang malaking BAWAL.
Sapagkat hindi pa tayo KINAKASAL.
Siguro mas mabuting maging kalmado na lang ako.
At iiwasan ko na lang rin ang magpadala sa emosyon ko.

Pero hindi ko talaga magawa-gawa.
Dahil ako ay isang dakilang SELOSA.
Oo tama ang nabasa mo.
At hindi ko yan tinatanggi dahil yun ay totoo.

Ayokong may nakikipag-usap sayo na iba.
Ayokong tinititigan ka nila.
Ayokong may ibang babae na lumalapit sayo.
At higit sa lahat ayokong may nagpapapansin sayo.

Gusto kong batuhin ang kanilang mga ulo.
Ng matauhan sila na may nagmamay-ari na sayo.
Gusto kong sipain sila papunta sa ibang planeta.
Ng sa gayon, masisigurado kong wala ng lalandi sayo na iba.

Hindi naman sa wala akong tiwala sayo.
Hindi naman sa nai-insecure ako.
Wala lang akong tiwala sa mga babaeng nasa paligid mo.
Natatakot kasi ako na baka kunin nila ang taong mahal ko.

Hindi ko inakala na ganito pala kabigat sa puso.
Hindi ko inakala na ganito pala katindi toh.
Dati nababasa ko lang ito sa mga istorya.
Pero iba pala kapag ikaw na mismo ang nakadama.

Sobrang hirap pala nitong itago.
Parang pinipiga ang aking puso.
Normal lang naman ito hindi ba?
Nagkakaganito lang naman ako dahil MAHAL KITA.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now