Isang panibagong piyesa nanaman ang muling nalikha.
Ang pamagat nito ay para bang palaisipan, hindi ba?
Paano ito naging blankong pahina kung may mga nakikitang letra't mga salita?
Marahil ay iyan ang tanong ng bawat makakabasa sa pamagat ng tula.Nais kong linawin na hindi literal ang kahulugan nito.
Ito'y bunga lamang ng isip kong mapag-laro.
Dito niyo makikita ang mga pananaw ko.
Sana'y magustuhan niyo ang piyesang ito.Sa buhay ng tao, maraming pagsubok ang laging dumadaan.
Maliit man o malaki, kailangan pa rin itong lagpasan.
Subalit, hindi lahat ng tao pare-pareho ang pagkatao.
Kung may mga taong kinakaya, may mga tao rin na agad sumusuko.Pagdating sa paglutas ng problema, maraming mga paraan.
Ngunit paano nalang kung ang problema'y hindi natutuldukan?
Paano kung ang mga problema'y sunud-sunod na nagbabagsakan?
Ano nalang ang magiging epekto nito sa ating buhay at isipan?Ang buhay ng isang tao ay parang isang malaking libro.
Libro na naglalaman ng napaka-daming yugto.
Ngunit paano na ang susunod na yugto kung ang problema'y hindi malagpasan?
Paano maisusulat ang panibagong kuwento kung hindi ito malusutan?Sa aking buhay, marami na kong nalusutan na problema.
Ngunit umabot pa rin ako sa puntong ako'y nananatili sa gitna.
Hindi ko magawang simulan ang panibagong yugto.
Sapagkat pinipigilan ako ng tadhanang mapag-biro.Isa, dalawa, tatlo, sunud-sunod ang bagsak.
Hindi ko alam kung kakayanin pa ba ito ng aking utak.
Ang isip ko'y litong-lito, unti-unting sumusuko.
Hanggang sa dumating ang araw na kung saan... naging blanko na ito.Mula sa aking isip, umabot na ito sa aking puso.
Hindi na ko makaramdam ng kahit na ano.
Isang blankong pahina ang tinititigan ko ngayon.
Hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat kong isulat doon.Dapat ko bang ilagay na wala na akong madama?
Dapat ko bang isulat na wala na kong magawa?
Na hindi ko kinayang lutasin ang mga problema?
Ito ba ang mga dapat kong ilagay dito sa blankong pahina?Mayroon akong kasabihan noong ako'y bata pa.
Sa buhay ng isang tao, may araw din na susuko ito sa paglutas ng problema.
Na may mga bagay na kahit kayanin, ay hinding-hindi matutuldukan.
Na ang kakayahan ng isang tao ay limitado, kaya ayos lang na sumuko paminsan-minsan.Kung kaya't ito na muna ang aking naisipang gawin.
Magpapahinga muna at ang mga problema'y hindi muna iisipin.
Isusulat ko sa blankong pahina na ako'y titigil muna't magpapahinga.
Sapagkat ako'y tao lamang na limitado ang mga kinakaya.Sa buhay ng isang tao, normal na ang mga pagsubok na dumadaan.
Mga pagsubok na sinusukat ang ating katatagan at kakayahan.
Ngunit hindi rin masama na tumigil muna sa paglutas ng mga ito.
Hindi masama na ilagay sa susunod na yugto kung paano mo pinahinga ang sarili mo.Kung ang jeep ay may preno, ganun din ang buhay ng tao.
Ngunit minsan nalilimutang gamitin ito.
Tigil muna sa pag-arangkada at pumreno muna sa tabi.
Wag munang isipin ang problema at hayaan ang sarili na matulog nang mahimbing ngayong gabi.Ang buhay ng isang tao ay masyadong maiksi.
Kaya wag nang paiksiin pa dahil lang sa may problema palagi.
Ang isang problema ay hindi malulutas kung ang isip ay magulo.
Kaya huminga muna nang malalim at magpahinga muna kahit sa isang segundo.Hayaang masulat sa blankong pahina na ang problema'y iyong tinigilan.
May mga susunod pang yugto, yan ang wag kakalimutan.
Ngunit marahil ay may mga hindi sasang-ayon sa akin dito.
Ayos lamang dahil may mga sari-sariling pananaw ang bawat tao.Lahat ng ito ay purong opinion at pananaw ko sa buhay.
Tama, sa buhay ko ganito ako mag-lagay ng kulay.
Ngunit alam kong hindi lahat ng tao pare-pareho ang takbo ng isip at paniniwala.
Kung kaya't may isa akong katanungan... Ano ang inyong isusulat sa blankong pahina?

YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...