Nagsimula ang ating istorya sa isang "tingin".
Tingin na nagpaalab ng aking damdamin.
Tingin na nagparamdam sakin ng kilig at nagpatibok ng puso.
Tingin na... Naging dahilan kung bakit nagkaroon ng "tayo".Naaalala ko pa kung paano tayo nagkakilala.
Nagkabungguan dahil parehas na hindi nakatingin sa dinadaanang kalsada.
Parehong natumba at nakaramdam ng sakit sa katawan.
Parehong napatulala sa sandaling nagkasalubong ang mga mata at nagkatinginan.Sa sandaling nasilayan ko ang iyong kumikinang na mga mata...
Sa sandaling binigyan mo ko ng ngiting malumanay at kaaya-aya...
Hiniling sa mga bituin na sana ikaw na nga.
Na sana ikaw na nga ang aking makakasama hanggang sa pag-tanda.Ang iyong mga mata'y parang mga bituin na kumukuti-kutitap.
Ang iyong maamong mukha'y parang hindi sanay magpanggap.
Sa isang tingin lamang, napagtanto ko na agad.
Na ikaw, mahal ko, ang mamahalin ko nang sagad.Nakikita ko sa iyong mga mata na totoo ka sa sarili mo.
Kung kaya't masasabi kong hindi mo pa nagagawang manloko.
Nakikita ko ang lungkot sa likod ng iyong matamis na ngiti.
Kung kaya't napagtanto ko na sa larangan ng pag-ibig, ikaw ang palaging nasasawi.Hindi ko alam ngunit agad mong nabighani ang aking puso.
Puso na inakala kong hindi na muling titibok para sa ibang tao.
Puso na inakala kong habambuhay magiging preso.
Puso na nakakulong at mananatiling nakagapos sa unang nagpatibok nito.Para bang tumigil sa pag-ikot ng mundo sa sandaling iyon.
Nanatiling nakapako ang mga mata ko sa taong kaharap ko ngayon.
Ang takbo ng oras ay unti-unting bumabagal.
At sa sandaling iyon, wala akong naramdaman kundi... Pagmamahal.Inalok mo sakin ang iyong kamay upang tulungan akong tumayo.
Nakaramdam ako ng kuryente sa sandaling hinawakan ko ito.
Kuryenteng gumising sa natutulog kong puso.
Kuryenteng naramdaman ko na rin noon sa unang minahal ko.Hindi ko inaasahan na mararanasan ko ulit ito.
Hiniling ko na sana wag ka munang maglakad palayo.
Ngunit sadyang madaya talaga ang tadhana.
Pinanood kitang humingi ng paumanhin sakin at tumawid sa kalsada.Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sakin para sundan ka.
Hindi ko alam kung bakit sinusundan kita kahit saan ka magpunta.
Nagtatago sa tuwing lumilingon ka sa iyong likuran.
Hindi ko alam kung bakit ayokong malaman mo na ika'y aking sinusundan.Hanggang sa dumating ang araw na nahuli mo ako, sinta.
"Akala ko sinusundan ako ng magnanakaw, ikaw lang pala!"
Sa halip na pagtataka, nakita ko ang tuwa sa iyong mga mata.
Isang malaking ngiti ang gumuhit sa iyong mukha.At ngayong nahuli mo na ko, hindi na ko nagdalawang-isip pa.
Huminga ako ng malalim at tinitigan muli ang iyong mga mata.
Pilit kong dinidedma ang puso kong nakikipag-karera.
Kahit nanginginig ang boses, pinilit ko pa ring magsalita."Sa tingin ko'y mali ka sa iyong inaakala.
Hindi ba't ikaw ang magnanakaw sa ating dalawa?
Oo sinusundan nga kita, ginoo.
Sinusundan kita dahil ninakaw mo ang aking puso."At para bang himala, kuminang ang iyong mga mata.
Agad kang ngumiti at napa-talon sa tuwa.
Para bang tumigil ang oras nang bigla kang nagsalita.
Mga salitang hindi ko inaasahang lalabas sa iyong mga labi, sinta."Hindi ko inaasahang makikita kitang muli.
At mas lalong hindi ko inaasahan ang iyong mga sinabi.
Siguro nga'y may taglay din na kabutihan ang tadhana.
Sapagkat pinagtagpo nito muli ang landas nating dalawa"Pinipigilan ko ang pagpatak ng aking mga luha.
Kay sarap talagang alalahanin kung paano tayo nagsimula.
Ngunit di ko na napigilan nang tumunog na ang dambana.
Para bang sinasabi sa akin na puntahan na kita.Dati hindi ako naniniwala sa kasabihang "love at first sight", mahal ko.
Ngunit nang makilala kita, agad iyon nagbago.
Posible pala ang makaramdam ng pag-ibig sa unang tingin, aking sinta.
Tingin na napunta sa pag-iisang dibdib nating dalawa.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...