Kunwari Lang Pala

332 2 0
                                    

Ipinikit ko ang aking mga mata.
Nadama ko ang paglapit ng iyong mukha.
Unti-unti kong nadama ang iyong mainit na labi.
Unti-unti ring gumuhit sa aking bibig ang isang matamis na ngiti.

Naramdaman ko ang marahan mong pag-haplos sa aking pisngi.
Magaan at malambot ang iyong palad sa bawat dampi.
Narinig kong sinabi mo ang dalawang salita.
Dalawang salita na nagpabilis ng pagtibok ng puso ko, sinta.

"Mahal kita", tama, yan ang iyong sinabi.
"Mahal din kita", sambit ko habang pinagmamasdan ang iyong ngiti.
Ngiti na kumukumpleto sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko.
Ngiti na dahilan upang ako'y patuloy na mabuhay sa mundo.

Naramdam ko kung paano ka kumapit sa aking kamay.
Sobrang higpit, para bang sakin nakasalalay ang iyong buhay.
Naramdaman ko kung gaano kahigpit ang iyong mga yakap.
Mga yakap na araw-araw kong hinahanap-hanap.

Subalit...

Nang iminulat ko ang aking mga mata, iba ang aking nakita.
Sa halip na ako, ibang tao ang iyong kasama.
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking mukha.
Sapagkat sinampal ako ng realidad na lahat ng iyon ay kunwari lang pala.

Isang pagkukunwari, isang imahinasyon.
Bunga ng pusong nasasaktan pa rin hanggang ngayon.
Ang mga luhang naipon ay isa-isang pumatak.
Bakit ba hanggang ngayo'y sa puso ko ikaw pa rin ang may hawak?

Hindi. Hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan.
Katotohanan na hindi na ako ang minamahal mo nang lubus-lubusan.
Ipinikit ko ang aking mga mata, upang hindi na kayo masilayan.
Pilit kinukumbinsi ang sarili na kayo ang imahinasyon ko para lang hindi na masaktan.

Kunwari AKO ang kasama mo.
Kunwari SIYA ngayon ang nasa lugar ko.
Kunwari AKO pa rin ang nagmamay-ari ng iyong puso.
Kunwari SIYA yung nasasaktan ngayon nang husto at hindi AKO.

Mahirap pala magpanggap na hindi ako apektado.
Mahirap pala baliwalain ang hapdi na nadadama ko.
Mahirap pala magkunwari na parang walang nagbago sa ating samahan.
Mahirap... Lalo na't malinaw sakin na may bago ka nang minamahal at iniingatan.

"Hindi ako naging tapat sayo."

Yan. Yan ang huling katagang binitawan mo, mahal ko.
Katagang bumasag sa aking puso't dumurog sa aking pagkatao.
Sa loob ng ilang taon, inakala kong tunay ang pag-ibig mo.
Ngunit tila masaklap ang katotohanang... Kunwari lang pala lahat ng ito.

Isang malakas na sapak ang katotohanang inamin mo.
Pakiramdam ko pinaikot-ikot mo ko na parang trumpo.
Subalit, hindi ko magawang magalit sayo.
Napaka-sakit dahil sa kabila ng lahat ng ginawa mo, ikaw pa rin ang mahal ko.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.
Na lahat ng iyong ipinakita'y puro pagpapanggap.
Kunwari lang pala lahat ng iyong ipinakita't ginawa.
Pati ang iyong nadadama'y...
Kunwari lang pala.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now