Habulan

296 5 5
                                    

Heto nanaman, maglalaro ulit tayo, mahal ko.
Ako ulit yung taya dahil masyado akong mabagal kumpara sayo.
Huwag mo masyadong bilisan, baka hingalin tayo pareho.
Hindi rin naman maaari na ako na lang palagi ang taya sa larong ito.

Bakit ganyan ka, mahal ko?
Kapag ako na ang taya, ang bilis mong tumakbo.
May mga oras pa nga na bigla ka nalang naglalaho.
Bakit ang bilis-bilis mo kapag ako naman ang hahabol sayo?

Ang daya mo, napaka-daya mo.
Palagi nalang ikaw yung tumatakbo palayo.
Samantalang ako yung palaging sumusunod sayo.
Tuwang-tuwa ka pa sa tuwing hinihingal na ako.

Bakit ba ito ang paborito mong laro?
Natutuwa ka ba sa tuwing ako ang naghahabol sayo?
Bakit ba kailangan pa nating mag-habulan, irog ko?
Hindi ba pwedeng magpahinga na muna tayo?

Pumapayag ka lang na maging taya sa tuwing umaayaw na ko.
Saka mo lang ako hahabulin sa tuwing humahakbang na ako palayo.
Saka mo lamang babagalan ang pagtakbo kapag napapansin mo na hindi na ko sumusunod sayo.
Saka ka lamang lalapit ng mabilis upang sabihin na ako naman ang hahabulin mo.

Bakit ganito? Bakit ka ganyan, mahal ko?
Bakit ang hilig mong bumalik kung kailan desidido na kong sumuko?
Bakit ang hilig mong maghabol kung kailan pagod na pagod na ang aking puso?
Bakit ang hilig mong lumapit sa tuwing tinatanggap ko na yung totoo?

Yung totoo na pagod na ako.
Yung totoo na iba yung hinahabol mo.
Yung totoo na paulit-ulit lang naman ang kinalalabasan ng larong ito.
Yung totoo na kahit mahuli pa kita, malabo nang maibalik pa yung dating tayo.

At dahil mabagal akong tumakbo, nahuhuli mo kaagad ako.
Agad akong nahuhulog muli sa mga patibong na inihanda mo.
Isa kang tuso mahal ko, dahil alam mong mauulit lamang ang proseso.
Dahil alam mo na banda dulo, ako nanaman yung magiging taya na maghahabol sayo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now