Kalayaan

3.8K 11 2
                                    

Kailan nga ba tayo naging malaya?
Noong araw ba na iwinagayway ang ating bandila?
Noong araw ba na nilisan na ng mga dayuhan ang ating bansa?
Kababayan, tunay nga ba na tayo'y nakalaya na?

Ganap na malaya na ang ating bansa, iyan ang sinasabi nila.
Pero bakit tila may mga tanikala pa na natira?
Mga tanikalang nakagapos sa mga kapwa nating mamamayan.
Mga mamamayan na nagiging alipin, utusan, at sunud-sunuran.

Kalayaan nga ba talaga ang ating nakamit?
O sadyang tayo ay muling nagpapagamit?
Tayo nga ba'y hindi na mga preso o alipin?
O lumaki lamang ang kulungan na ginagalawan natin?

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now