Oo, lalaki kayo kaya normal lang ang inyong ginagawa.
Pero sana huwag kayong magtaka kapag nawalan na kami ng gana.
Kapag naubos na ang aming pasensya.
Kapag naisip din ng kasintahan niyo na nakakapagod din pala."Walang malisya iyon, huwag mong pansinin at gawing big deal."
Iyan ang lagi niyong tugon sa tuwing tinatanong kayo, hindi ba?
Pasensya na, hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit niyo iyon nagagawa.
Hindi naman sa wala kaming tiwala, masakit lang kasi talaga.
Oo, masakit pa din kahit paulit-ulit niyong sinasabi na "wala iyon malisya".Palagi nalang "malisya" ang palusot niyo.
Ibig sabihin ba kapag "walang malisya", pwede nang makipag-usap o makipag-harutan sa iba?
Pwede nang mas ipagmalaki at purihin yung taong iyon kahit may kasintahan ka na?
Pwede nang sabihin na "huwag iyan, akin na yan", sa tuwing may nagtatanong tungkol sa kanya?
Pwede nang gawin lahat iyan kasi "wala namang malisya"?Oo na, lalaki kayo.
Lalaki nga kayo pero bakit hirap na hirap kayong magpaka-lalaki?
Bakit hirap kayong intindihin kung bakit nasasaktan kami at kung saan kayo nagka-mali?
Bakit hindi niyo magawang pumikit sa tuwing may nang-aakit sa inyo at lumalandi?
Lalaki kayo pero bakit mas lalaki pa yata kami?Oo, lalaki kayo.
Normal nang tumingin kayo sa iba.
Normal na sa inyo ang maakit sa mga mas magaganda.
Normal na sa inyo ang magka-gusto sa iba at matutong mag-kumpara.
Pero sana normal lang din sa inyo ang maging tapat sa isa.Hindi kami maka-sarili o mahigpit.
Pero sana alam niyo na nakakaramdam din kami ng sakit.
Bakit nagagalit kayo sa tuwing pinagbabawalan o ipinagdadamot namin kayo?
Bakit kahit may kasintahan na kayo, parang single pa din kayo kung umakto?Hindi ko nila-lahat pero lalaki kayo, hindi ba?
Bakit hindi niyo magawang makuntento sa isa?
Bakit kailangan mayroon palaging naka-reserba?
Bakit kailangan kami palagi ang mag-adjust at umintindi dahil "wala naman iyon malisya"?Sana lang matuto kayong ma-konsensya.
Matuto kayong mag-kusa imbis na hintayin kaming magsalita.
At sa mga babaeng hindi marunong dumistansya, kayo naman ang sunod na gagawan ko ng piyesa.
Baka sakaling makaramdam kayo ng hiya pagkatapos niyong basahin ang mga bibitawan kong salita.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...