Hindi Ako Bitter! Duh!

557 3 0
                                    

Hanggang ngayo'y napapaisip ako kung bakit iniyakan kita?
Iniwanan mo lang naman ako at di na binalikan pa.
Hindi ko alam kung nabulag ba ko sa pag-ibig o sadyang bulag talaga ako.
Paano at bakit ko nagawang iyakan ang isang tulad mo?!

Siguro nilagyan mo ng gayuma ang pagkain ko noon.
Kaya siguro ganun nalang ako mahumaling noon kahit na madami ang hindi sumang-ayon.
Nang iniwan mo ko, halos isang gallon din ng luha ang aking iniyak.
Kaya ngayon gusto ko nalang magising at magpasapak.

Alam mo ang sarap mo. Ang sarap mong tirisin at durugin!
Lalo na kapag ngumingiti ka, gusto kong basagin ang iyong ngipin!
Minsan napapaisip ako kung may kulang ba sakin o sadyang makapal lang mukha mo?
Sa sobrang kapal ikaw pa ang may ganang magsawa sa isang tulad ko.

Nabalitaan ko nga pala na may bago ka na daw.
Iba talaga kapag isang batikan na tulad mo ang gumalaw.
Yun bang siguradong sapul agad ang target at hindi papalya.
Kaya siguro mabilis kang nakahanap ng papalit sa dati mong prinsesa.

Ay mali, hindi pala dapat prinsesa ang tawag sakin.
Reyna kasi ako dati na pumayag sa iyo'y magpa-alipin.
Ang nakakatawa lang ay ikaw pa ang sumuko.
Ipinagpalit mo ang isang diyamante sa isang pekeng bato.

Ngunit napaisip ako kung anong mapapala ko dito?
Anong mapapala ko kung iiyakan ko ang isang tulad mo?
Ang isang tulad mo na binaliwala ako?
Ang isang tulad mong duwag at manloloko?

Di rin nagtagal, ako'y natauhan bigla.
Pinunasan ang mga luha at tumingala.
Hindi ako dapat umiiyak nang dahil lamang sa iyong pang-iiwan.
Dahil sa ating dalawa'y hindi naman ako ang nawalan.

Oo, minahal kita ng sobra pa sa dapat kong ibigay.
Kulang nalang pati buhay ko handa na akong i-alay.
Ngunit sadyang nauntog ako at nagising mula saking kahibangan.
Na hindi dapat ganito ang takbo kung tunay tayong nagmamahalan.

Ang sarap niyong pag-buhulin ng bago mo.
Isang makati at isang malandi, bagay na bagay kayo.
Gusto kong malaman mong naka-move on na ko sayo.
Kaya hindi na gagana ang pagla-lambingan niyo sa harap ko para lang basagin muli ang aking puso.

Hindi ako bitter, dahil hindi ako nagsisisi.
Hindi ako bitter, kahit pa tinapos mo ang relasyon natin dati.
Hindi ako bitter, dahil masaya ako para sa inyo.
Hindi ako bitter, kahit mag-sama pa kayo ng bago mo.

Hindi ako bitter, dahil masaya na ako kahit wala ka na.
Hindi ako bitter, dahil naubos na ang aking mga luha.
Hindi ako bitter, dahil tuluyan ko nang pinatay yung aking pag-asa.
Pag-asa na baka biro mo lang lahat ng iyon at babalik ka pa.

Oo, napagod na kong mag-habol at magmakaawa.
Napagod na kong umiyak at magpunas ng mga luha.
Nagising na ko sa katotohanang hindi na ako ang mahal mo.
Tuluyan ko nang natanggap na wala ka na sa buhay ko.

Ngunit sadyang mahirap talagang kumalimot.
Dahil hanggang ngayo'y naghahanap pa rin ako ng sagot.
Sagot sa tanong kung bakit mo ko sinukuan.
Sagot sa tanong kung ano nga ba ang tunay mong dahilan.

Ayoko nang mang-gulo kung kaya't mananahimik nalang ako.
Dahil nakikita ko naman na masaya na kayo.
Hindi ako bitter kahit iniwan mo ko nang walang paliwanag.
Kailangan ko nalang maging malakas at magpaka-tatag.

Hindi ako bitter, hindi talaga.
Kahit palagi ko kayong nakikitang magkasama.
Hindi nga ako bitter, duh!
Kung gusto mo pakasalan mo siya at wala na kong sakit na madadama!

Sige lang maglambingan pa kayo.
Wala na kong pakialam kahit gawin niyo pa yan sa harap ko.
Hindi ako bitter kahit ipamukha mong siya na ang mahal mo.
Bagay kayo, dahil parehas kayong manloloko.

Ayoko na, titigil na nga ko.
Ayokong isipin mong bitter pa rin ako sayo.
Oo tama ang basa mo, hindi na ko bitter.
Saksak mo pa yan sa maluwag mong salawal na walang garter!

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now