( Requested by: SillyMaeee_Xx )
Isang mapagpalang umaga, sa inyong mga mambabasa.
Narito ako muli upang mag-alay ng panibagong piyesa.
Ito'y isang piyesa na tumatalakay sa aking araw-araw na pamumuhay.
Pamumuhay sa eskuwela at kung gaano ito kakulay.Ang pinapasukan kong eskuwela ay di gaanong malaki.
Hindi ito tulad ng mga eskuwela na nakikita ko palagi.
Matataas, malalawak, maraming mga gusali.
Hindi ganyan ang eskuwelahan na pinapasukan ko, mga ginoo't binibini.Ang aming eskuwela'y matatagpuan sa loob lamang ng isang gusali.
Sa ikatlong palapag ng gusaling mayroong kahati.
Bawat baitang ay may kani-kaniyang mga silid-aralan.
Maliit man ang silid, ang temperatura'y malamig naman.Hindi uso samin ang blackboard, mga kaibigan.
Puro whiteboard lamang ang nakasabit sa harapan.
Hindi rin uso samin ang mga aklat o libro.
Dahil lahat ng dapat namin malaman ay nasa Chromebook ng bawat grupo.Sa isang silid naroon ang pangkat na aking kinabibilangan.
Tatlumpu't-siyam na estudyante ang inyong masisilayan.
Mas lamang ang bilang ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan.
Ngunit kahit na ganito'y, maayos at masaya ang aming samahan.Ang aming tagapayo ang una kong ipapakila.
Inilalagay niya kami sa ayos, nagagalit pag may nagawa kaming hindi tama.
Siya'y itinuturing namin bilang ikalawang "ama".
Na laging nariyan upang gabayan kami sa lahat ng aming ginagawa.Doon sa aming pangkat, masaya ang bawat araw na dumadaan.
Sapagkat paniguradong lahat ay nagtutulungan.
Walang naiiwang mag-isa, lahat ay sama-sama.
Tama, walang naiiwan sa dilim dahil nagtutulungan ang bawat isa.Doon sa aming pangkat, may mga magagaling kumanta.
May mga magagaling gumanap sa mga dula.
May mga mahuhusay sumayaw at gumuhit.
May mga mahuhusay ring sumulat ng mga tula't mga awit.May mga biniyayaan ng angking talino.
Mula sa Matematika, Ingles, o kahit Agham pa ito.
May mga matatalas ang memorya.
Kung kaya't palaging nakakapasa at matataas ang mga marka.Doon sa aming pangkat, may mga nag-aaway din paminsan-minsan.
Ngunit, agad din namang na-aayos at nagkakapatawaran.
Doon sa aming pangkat, hindi uso ang pahinga.
Kahit pagod sa mga gawain, may magyayaya pa rin na gumala.Bilang parte ng pangkat na ito, ako'y magpapakilala.
Ako yung estudyante na parang lalaki kung umasta.
Halos lahat ng aking mga kamag-aral ay naging kaibigan ko na.
Ngunit, tulad ng ibang mga tao, bilang lamang ang may hawak ng aking tiwala.Masaya, magulo, maingay, at kung minsa'y napapagalitan.
Doon sa aming pangkat, normal na ang mga pangyayari na iyan.
Nandyan yung presidente ng klase na minsan nang tumulo ang luha.
Tumulo ang luha nang dahil sa hindi kami nakinig noon sa kanya.Nariyan ang aming mga guro o LFs kung aming tawagin.
Ang aming paaralan ay may mga sariling pamantayan na dapat sundin.
Mga pamantayan, mga patakaran na iba sa mga nakasanayan namin.
Ano pa nga bang inaasahan ko? Iba na nga pala ang daan na aking tatahakin.Nung una'y labis kong pinagsisisihan kung bakit pinili ko ito.
Bakit sa lahat ng unibersidad, ito pa ang napili ko?
Hindi ko inaasahang iisang kurso lang pala ang kanilang inaalok.
Noong mga panahon na iyon, buong araw akong nagmumukmok.Sa paglipas ng mga araw, ako'y may naramdaman.
Ayoko ang kurso, ngunit bakit tila ako'y nasisiyahan?
Ang paraan ng kanilang pagtuturo'y kakaiba sa aking panlasa.
Kung kaya't sa aking puso'y unti-unting umusbong ang saya.Doon sa aming pangkat, hindi uso samin ang tulog.
Doon sa aming pangkat, lahat ay matitino ngunit kalog.
Doon sa aming pangkat, madaming matatalino.
Lahat ay matatalino sa iba't-ibang paraan, sapagkat walang taong bobo.Lahat ng magkakaibiga'y may sari-sariling grupo.
Ngunit lahat ay marurunong din makihalubilo.
Tama, isa yan sa mga itinuturo sa amin doon.
Ang makihalubilo sa iba kahit bagong grupo ang kinabibilangan ngayon.Hindi lamang talino ang sinusukat nila at pinagbabasehan.
Kasama rin ang ugali't pakikitungo sa kapwa sa bawat araw na dumadaan.
Unti-unting pinapalakas ang loob ng bawat mag-aaral.
Kasabay ang pagtuturo ng disiplina't mabubuting asal.Oo, ganito ang sistema sa aming eskuwela.
Kakaiba ngunit nakakatuwa rin, hindi ba?
Inaanyayahan ko kayong pumasyal dito paminsan-minsan.
Tara na't pumasyal doon sa aming munting paaralan.~~~~~~~~~
P.S.
Hello, here's the poem you've requested po. Since you've said that it can be about my experiences at my school, I wrote this poem based on how I saw my school life has been this past few months.
Tell me if there's something wrong with it so that I can edit or change it. Also, thank you for reading! :)
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...