SA ISANG GABI

2.7K 27 0
                                    

Di ko pa nalilimot
Ang nakaraan kong masalimuot.
Mahirap yun kalimutan
Dahil nasaktan ako nun ng lubusan.

Hindi biro ang pangyayaring iyon.
Dahil sariwa pa din ito sa isipan hanggang ngayon.
Hindi ko inakalang mararanasan ko iyon.
Hindi ko naisip na ikaw pa ang gagawa nun.

Maayos na sana ang lahat.
Ang kasiyahang nadama'y higit sa sapat.
Ngunit nakalimutan kong lahat ng bagay may hangganan.
Dahil nung gabing yun, tinapos mo ang ating samahan.

Sa isang gabi, nagsimula ang lahat.
Sa isang gabi mo rin sinarado ang ating aklat.
Di ako tumigil sa aking pag-iyak.
Dahil ang mga salitang binitawan mo ay mas masakit pa sa sapak.

Akala ko ikaw na ang nakalaan para sakin.
Akala ko hindi matatapos ang relasyon natin.
Akala ko tutuparin mo ang iyong pangako.
Akala ko tayo pa din hanggang dulo.

Sa isang gabi, pinuno mo ng pag-asa ang puso ko.
Sa isang gabi, pinasaya mo ko ng husto.
At hindi ko inisip na iiwan mo din ako.
Dahil ang sabi mo sa akin, ako lang ang mahal mo.

Ganito pala ang pakiramdam pag umasa ng sobra.
Ganito pala ang pakiramdam pag nagpaloko sa matatamis na salita.
Napaka-hirap at napaka-sakit pala.
Lalo na pag napagtanto mong ginawa ka lang niyang t**ga.

Sa isang gabi, nagbago ang lahat.
Ang sabi mo sakin hindi ako sapat.
Na kailangan mo'y isang taong ibibigay sayo ang lahat.
Ang mga salitang iyon, sa puso ko'y kumagat.

Hindi sapat ang isang gabi
Para mawala ang lahat ng hapdi.
Paano ako makakawala sa tali?
Kung ang dahilan nito ay ang iyong mga ngiti.
Minahal kita at mamahalin pa rin kita.
Kahit sobrang sakit ng ginawa mo, sinta.

Mahirap kalimutan ang isang tulad mo.
Ang isang tulad mong minahal ko ng totoo.
Pakiramdam ko namatay ang puso ko.
Dahil sa sakit na dulot ng iyong panloloko.

Simula palang alam kong hindi mo ko mahal.
Dahil sa mga salita mong nakakasakal.
Pero dahil rin sa matatamis mong salita.
Patuloy pa rin akong umasa.

Sa isang gabi, iniwan mo kong luhaan.
At parang wala kang pakialam na ako'y iyong nasaktan.
Ganun ba ko kadaling saktan at iwanan?
Ang mahalin ka ba'y isang malaking kasalanan?

Sa isang gabi, isinumpa ko na hindi na ko magmamahal ng isang tulad mo.
Dadating din ang araw na titigil na ko.
Sa pagmamahal sayo...
At sa kakaasang babalik ka pa sa piling ko.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now