Pangalagaan Ang Kalikasan

2.7K 17 17
                                    

(Requested)

Minsa'y may nakapagsabi sa akin.
Na ang ating Diyos ay sadyang malikhain.
Siguro nga'y totoo ito.
Dahil binigyan Niya ng kulay ang ating mundo.

Bughaw para sa karagatan at kalangitan.
Luntian para sa mga puno't halaman.
Pula para sa mga mansanas at rosas.
Lila para sa ube at ubas.

Kahel para sa takip-silim.
Itim para sa gabing madilim.
Dilaw para sa araw at mangga.
Puti para sa ulap at sampaguita.

Isang mundong makulay ang Kaniyang nilikha.
Ngunit ako'y nababahala sa mga naririnig kong balita.
Ang mga bughaw na dagat ay nagiging itim na.
Ang buhay ng mga luntiang halaman ay unti-unti ng nawawala.

Nasasakop na ng maitim na usok ang sariwang hangin.
Natatakpan na rin ang langit at bituin.
Ang Kanyang mga nilikha ay isa-isang nauubos.
Sapagkat di tayo nag-iingat o nag-iisip bago kumilos.

Di na natin nabibigyan ng halaga ang ating kalikasan.
Kaya dumadami ang mga sakuna na ating nararanasan.
Kailan ba tayo matatauhan at titigil sa ganitong gawain?
Hindi pa huli ang lahat upang ito ay baguhin.

Ang ating kalikasan ay dapat nating pangalagaan.
Kailangan din natin itong pahalagahan.
Sapagkat dito natin nakukuha ang ating mga pangangailangan.
Isa rin itong paraan upang magpasalamat sa mga biyaya ng Kaniyang inilaan.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now