Nakita kita.
Mukhang ayos ka naman na.
May ngiti na ulit sa labi, nagagawa nang tumawa.
Mukhang buo na ulit ang taong iniwanan akong mag-isa.Narinig ko yung balita.
Ikakasal ka na pala.
Isang taong may kaya, makisig, at marunong pumorma.
Tunay ngang mas bagay ka sa isang tulad niya.Nakaramdam ako ng sakit.
Hindi ko pa din maintindihan kung bakit.
Bakit mas pinili mo na ako'y ipagpalit?
Bakit bumitaw ka at sa kanya'y kumapit?Nalalasahan ko pa din ang pait hanggang ngayon.
Sobrang pait ng kinahitnatnan ng ating relasyon.
Saan ba ako nagkulang noon?
Sa itsura ba? Sa salapi? O di kaya'y sadyang mabilis ka lamang malason?Gusto ko sanang tanggalin ang kamay niya sa kamay mo.
Gusto kong isigaw sa kanya na, "Hoy! Akin iyan, hindi siya sa'yo!".
Gusto kong lumapit sa inyo at lumuhod sa harap ninyo.
Gusto kong magmakaawa sa'yo na bumalik ka na sa piling ko.Bakit hindi mo sinabi?
Bakit hindi mo sinabi na kulang ako sa salapi?
Kaya ko naman paghirapan at pag-ipunan iyon, manatili ka lang sa aking tabi.
Ganun ba ka-dami ang laman ng kanyang bulsa kaya kaagad kang bumigay nang ganun ka-dali?Kung alam ko lang na mabilis kang masilaw, tinakpan ko na sana ang mga mata mo.
Kung alam ko lang na hindi mo kayang maghintay, nagtrabaho na sana kaagad ako.
Kung mayaman lang din ako tulad niya, malamang ako pa din ang mahal mo.
Kung hindi lang ako isang dukha, marahil ako ang tatayo sa altar at mag-aabang sa'yo.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...