Walang Lihiman

355 1 0
                                    

HAHAHA, nakakatawa.
Nakakatawa ang sitwasyon nating dalawa.
HAHAHA, nakakatawa talaga.
Nakakatawa dahil mas inuuna mo sila.

Alam ko kung hanggang saan lang dapat ako.
Pero bakit ang ipinapadama mo'y wala akong lugar sa buhay mo?
Ito ba? Ito ba ang kapalit ng matamis kong "OO"?
Kasi kung ganun, gusto ko sanang bawiin iyon sayo.

HAHAHA, hindi ba't nakakatawa, mahal ko?
Nakakatawa na tinalikuran ko ang lahat para sayo.
Nakakatawa na mas pinili kong putulin ang koneksyon ko sa iba.
Nakakatawa na mas pinili kita kesa sa kanila.

HAHAHA, marahil ay nagtataka ka.
Nagtataka kung paano ko pa nagagawang tumawa.
Wag kang mag-alala, madali lamang ito.
Ang gagawin mo lang naman ay maghintay ng taong babasag sa iyong puso.

HAHAHA, oo ganyan ang proseso!
Paano ko nalaman? Yun ay dahil sayo.
Sa sobrang sakit ng ginawa mo, napapatawa nalang ako.
Natatawa ako dahil ang tanga tanga ko.

Isinuko ko ang lahat, ngunit di pa rin sapat.
Tunay na pag-ibig ang inalay ko ngunit sadyang hindi ka tapat.
Naglihim, nagtago, hindi ka nagsasabi ng totoo.
Nakakatawa dahil hindi ko alam kung bakit mo nagawa ang mga ito.

HAHAHA, "walang lihiman".
Yan ang ating kasunduan.
Ikaw mismo ang pasimuno at nagsabi niyan.
Ngunit ikaw din mismo ang sumira at lumabag sa ating usapan.

Gusto ko sanang umiyak, pero wag nalang pala.
Wala naman kasing magagawa ang pagpatak ng mga luha.
Gusto ko sanang sumigaw, ngunit nanahimik nalang ako.
Mapapaos lang ang boses ko kaya kikimkimin ko nalang ito.

HAHAHA, natatawa ako, irog ko.
Ano pa kaya ang mga lihim mong nakatago?
"Walang lihiman" diba? Pero ano ito?
Tagu-taguan ba ng mga sikreto ang iyong gusto?

Paano pa ko magtitiwala ulit sayo?
Kung ngayon palang marami ka nang itinatago?
Hindi ako tulad ng iba na hahayaan kang gawin ang gusto mo.
Dahil oras na hayaan kita, isa lang ibig sabihin nun, WALA NA KONG PAKE SAYO.

Sa isang relasyon, nasa ibaba ang TIWALA.
Tiwala na kapag nawala, babagsak din tayong dalawa.
Malaki ang porsyento ng tiwala at katapatan ng isang tao.
Oo, ganyan ang istraktura ng pag-ibig, mahal ko.

Ngunit anong ginawa mo?
Bakit sinira mo ang iyong pangako?
Bakit mo sinaktan muli ang aking puso?
Ano ba ang tunay na dahilan, mahal ko?

HAHAHA, sa sobrang sakit gusto kong mag-wala.
Gusto kong sumigaw hanggang sa ang boses ko'y mawala.
Gusto kong gantihan ang iyong ginagawa.
Pero di ko magawa, kasi nga MAHAL KITA.

At ngayong wala ka na, natatawa nalang ako.
Natatawa nalang ako dahil parang ako pa ang sinisisi mo.
Nawala yung salitang "TAYO" dahil sa nasirang pangako.
Pangako na, "Walang lihiman, magpapaka-totoo tayo"

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now