Magi-isang buwan na pala? Kamusta ka na?
Magi-isang buwan na simula nung nawala ka.
Pero eto pa rin ako, tulala habang iniisip kita.
Kasalanan ko rin naman kaya sa ugali ko ika'y nagsawa at umalis dahil ayaw mo rin akong masaktan pa.Mahal, alam mo ba pilit ka nilang pinapaalala sa akin.
Pinapakita at pinapamukha na may iba ka na para lang ako'y gisingin.
Paulit-ulit nilang sinasabi na tumigil na ko at wag na kong umasa.
Dahil para nalang daw akong naghihintay sa wala.Masakit. Sobrang sakit at ang hirap tanggapin na wala ka na.
Pero ang sabi mo babalik ka hindi ba?
Babalik ka kapag handa ka na?
Babalik ka kapag ang lahat ay maayos na?Pero ano yung mga naririnig ko?
Sabi ng iba may iba ka ng gusto.
Ang sabi ni inay may bago ka ng kasintahan.
Tinanong ka daw niya kasi kung sino ang iyong kasama sa litrato kaya niya nalaman.Mahal, lahat ng iyan paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko.
At sa bawat segundo ramdam ko ang pagkadurog ng aking puso.
Ang sabi mo sakin lahat ng yun ay hindi totoo.
Mali ba kapag sinabi kong mas nakinig at naniwala pa rin ako sayo?Sumulat ako dahil hindi ko na kayang takpan ang sugat sa aking puso.
Sugat na pilit kong ginagamot kahit nahihirapan na ko.
Umaasa ako. Oo tama ang basa mo sa nakasulat dito.
Umaasa ako na SANA totoo lahat ng sinasabi mo.Mahal pa rin kita. Kahit nasasaktan at nahihirapan na ko sinta.
Nahihirapan ngunit kaya ko pa.
Pero sana nga may patutunguhan ang aking ginagawa.
Sana nga hindi mo ko pinaghihintay sa wala.Pero sana wag mong gawing dahilan ang pagmamahal ko sayo.
Wag mong gawing dahilan yung mahal pa kita kaya ka babalik sa piling ko.
Wag mo kong piliin kapag hindi ka minahal o tinanggap ng taong gusto mo.
Ayokong bumalik ka dahil lang sa alam mong mahal kita at tatanggapin pa rin kita nang buong puso.Kung babalik ka sana yun ay dahil sa mahal mo pa ko.
Dahil ayokong maging back-up at option kapag di ka nagustuhan ng taong gusto mo.
Pakiusap. Wag mong iparanas sakin iyon.
Dahil mas masakit pa yun kesa sa ginawa mong pagsuko noon.Patuloy na magmamahal at aasa,
Ang babaeng hinihintay ka

YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...