Di Sapat

272 3 0
                                    

Heto nanaman ako, lumilikha ng isang tula.
Gumagamit nanaman ng panibagong papel at pluma.
Nakakatawang isipin na ang aking pluma'y hindi nauubusan ng tinta.
Dahil siguro ang sakit na dulot ng iyong paglisan ay nandito pa.

Luha...

Tama, luha ang tinta ng aking pluma.
Kawawang papel, palagi nalang nababasa.
Paubos na yung mga papel subalit bibili pa ko ng isang dosena.
Dahil ang sakit na iyong idinulot ay hindi matutumbasan ng isang daang tula.

Hindi pa din maubos ang mga salita.
Ang nadadamang pighati'y hindi pa rin nawawala.
Paulit-ulit itinatanong sa sarili kung bakit naghanap ka ng iba.
Nanatili ako at ipinaglaban kita, pero bakit sumama ka pa rin sa kanya?

Siguro nakulangan ka.
Nakulangan ka sa relasyon nating dalawa.
Iyon siguro ang dahilan kung bakit ka nagsawa.
Dahil para sayo di sapat ang mga ibinibigay ko sayo, hindi ba?

Sorry, sorry kung hindi ako katulad niya.
Hindi kasi ako mayaman kaya pasensya na.
Pasensya na kung pinagplaplanuhan ko muna ang kasal nating dalawa.
Hindi ko kasi kayang angkinin ka hangga't hindi pa kita asawa.

Tanggap ko naman na ang hanap mo'y iba.
Matagal ko nang alam na hindi ka nakukuntento sa isa.
Subalit kahit alam ko iyon, minahal pa rin kita.
Isinugal ko ang puso ko sa pag-asang magbabago ka.

Pero, sadyang madumi talaga maglaro ang tadhana.
Kung sino pa yung minahal mo ng buong puso, siya pa ang magiging dahilan ng iyong pagluha.
Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko para lang mapasaya kita.
Itinuring kitang prinsesa ngunit itinapon mo lang ako na parang basura.

Akala ko sapat na ko, pero kulang pa pala.
Di pa pala ako sapat para manatili ka.
Sana sa hinahabol at iniibig mo ngayo'y makuntento ka na.
Huwag mo na sanang iparanas sa iba ang sakit na ipinaranas mo sakin, sinta.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now