Pasensya Na

769 6 0
                                    

Bago po basahin ang piyesang ito, I would advice na basahin niyo po muna yung part one po nito a.k.a. "Nakita Kita". Para hindi po kayo maguluhan o malito sa sinasabi ng tauhan sa tulang ito. Salamat! ;)

~~~~~~~~~~~~~~
"PASENSYA NA"
(Part 2 of 3)

"Pwede ba tayong mag-usap, importante kasi ito."
"Tungkol saan? Ano ang sasabihin mo, mahal ko?"
Huminga ako ng malalim at tumingin sa iyong mga mata.
Pinilit kong maging malakas at panatilihing walang emosyon ang aking mukha.

"Ayoko na, sawa na ko sayo. Tapusin na natin ito."
Malamig at walang emosyon kong sambit sa iyo.
Isang hakbang nalang ang kailangan kong gawin.
Hakbang na alam kong wawasak sa mundong binuo natin.

Nakita ko kung paano ka yumuko at naglaho ang iyong ngiti.
Naglaho yung ngiti na nagbibigay sakin ng lakas at sigla palagi.
At doon ko nakita ang mga luha mo at narinig ang iyong paghikbi.
Sa loob ng isang segundo ninais kong bawiin ang aking mga sinabi.

"Sinungaling ka mahal ko... Sabihin mo na ika'y nagbibiro."
Ramdam ko ang pagkawarak ng aking puso.
Ramdam ko na rin ang paninikip ng dibdib ko.
Kailangan ko ng bilisan at agad na tapusin ito.

"Tama ka, nagsinungaling ako dahil ang totoo may iba na kong gusto."
Nagsimula ka nang humagulgol sa sandaling sinabi ko iyan sayo.
Dinig ko kung paano mo paulit-ulit na tinawag ang pangalan ko.
Hindi. Hindi mo na dapat tinatawag yung taong dahilan ng pagkawasak ng mundo mo.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo.
Palayo sa taong minamahal ko ng buong puso.
Palayo sa taong naging dahilan kung bakit nagkakulay muli ang aking mundo.
Palayo sa taong.... walang ibang ginawa kundi mahalin ako nang todo.

Aaminin ko, hindi naging madali para sakin ang pagbitaw ko sayo.
Dahil walang araw na lumipas nang hindi ka pumapasok sa isip ko.
Paulit-ulit akong humihingi ng tawad habang nakatitig sa iyong litrato.
Pasensya... Pasensya na kung kinakailangan kong warakin ang iyong puso...

Lumipas ang isang buwan at heto pa rin ako.
Hinahanap-hanap ang matamis na ngiti mo.
Pilit "niyang" pinapalitan ang lugar mo sa aking puso.
Ngunit kahit anong pilit niya, nanatiling naka-ukit ang pangalan mo dito.

Pasensya na mahal ko, pasensya na kung napaka-hina ko.
Pasensya na kung mas pinili kong ilihim sayo ang totoo.
Pasensya na kung mas pinili kong saktan ang ating mga puso.
Pasensya na kung mas pinili kong mag-sakripisyo.

"Dalawang buwan nalang ang natitira mong oras, iho."
Hanggang ngayon, di ko pa rin tanggap na wala ka na sa buhay ko.
Pasensya na mahal ko, sana ako'y mapatawad mo.
Pasensya na kung mas pinili kong warakin ang ating mga pangako.

"Nakita kita, mukhang masaya ka na."
Hindi. Mali ka mahal ko, hindi ako masaya.
"Bagay kayong dalawa, aking sinta."
Mali ka nanaman, mahal ko. Mas bagay tayong dalawa.

Nais kong yakapin ka nang mahigpit at punasan ang iyong mga luha.
Nais kong lumuhod sa harap mo at humingi ng tawad, o aking Clara.
Ngunit naunahan na ko ng takot at kaba.
Takot at kaba na baka mabasag ko ulit ang puso mo, sinta.

Pasensya na kung hindi ako makatingin sayo ng diretso ha?
Sapagkat ayokong masilayan mo ang aking mukha na basang-basa na ng luha.
Nang marinig ko ang huli mong sinabi ninais kong habulin ka.
Ngunit para bang nabalot ng kadiliman ang aking kapaligiran kaya hindi ko agad nagawa.

Tama... Palayain mo na ang sarili mo sa sakit.
Palayain at kalimutan mo na ang nakaraan nating mapait.
Palayain mo na ang sarili mo sa taong nanakit at winasak ang iyong mundo.
Palayain mo na ang sarili mo dahil hindi ako ang karapatdapat para sayo.

Pasensya na mahal ko kung tinuldukan ko agad ang istorya nating dalawa.
Pasensya na mahal ko kung nasaktan kita nang sobra.
Pasensya na mahal ko dahil hindi ko na talaga kaya.
Pasensya na mahal ko.... ngunit kailangan ko nang magpahinga.

~~~~~~~~
P.S.
Kayo na po bahala ang humusga kung ano yung meaning nung last line. Hahahahaha!
So eto na po yung point of view nung nang-iwan. Part three will be the point of view nung "bago". Thank you sa pagbabasa!! :)

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now