(Requested)
Sumilip na ang haring araw mula sa likod ng mga bundok.
Rinig na rin ang tandang na walang tigil sa pag-tilaok.
Ang ihip ng hangi'y unti-unting umiinit.
Tila pinapahiwatig na kailangan ng bumangon ulit.Isang normal na umaga, tahimik at mapayapa.
Isang panibagong araw para maging abala.
Ngunit may isang taong tila parang kidlat kung kumilos.
Marahil ay mahuhuli nanaman ito sa klase kaya nakalimutan ng mag-ayos.Sasakay sa jeep at dun na mag-aayos.
Perang papel ang ipinambayad dahil ang barya niya'y naubos.
Ang ibang butones sa kanyang polo ay hindi nakakabit.
Maging ang kanyang pantalon ay hindi nakakawit.Bakit nga ba ganito ang binata na ito?
Isang binatang halos di mapakali sa kanyang pwesto.
Marahil ay nagpuyat nanaman dahil sa aralin na kanyang binabasa.
Kaya heto siya ngayon, kinakabahan at natataranta.Pagkadating sa eskuwela'y sermon agad ang napala.
Dahil lagi siyang nahuhuli sa unang klase na papasukan niya.
Walang maibigay na dahilan kaya humingi nalang ng tawad.
Ang guro niya'y maawain kaya napatawad siya agad.Walong oras ang nakalipas at sa wakas makakauwi na rin siya.
Pagkarating sa kanyang tahanan, katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Tama, mag-isa lamang siyang nakatira sa kwartong ito.
Sapagkat ang kanyang pamilya'y nasa ibang dako.Kaya para makatulong kailangan niya ring magbanat ng buto.
Agad nagpalit ng damit upang pumasok na sa kanyang trabaho.
Ilang oras din ang tinagal niya roon bago siya makauwi.
At para maka-kain ay kailangan niya munang bumili.Pagkatapos maghapunan, gagawin na niya ang kanyang takda.
Sisiw lamang ang matematika sapagkat dito ay matalino siya.
Medyo nagkakaproblema kapag Ingles na ang usapan.
Sapagkat di sapat ang kanyang kakayahan upang ito ay masagutan.Sa wakas oras na para siya'y magpahinga.
Ito ay isang tipikal na araw lamang para sa kanya.
Bukas ng umaga'y mauulit muli ang ganitong proseso.
Kailangan niya munang magtiis para makapagtapos sa kolehiyo.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...