Suyo

325 1 0
                                    

Hindi ko na maintindihan.
Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Dapat ba akong malungkot sa iyong pag-trato at ipinapadama?
O dapat ko iyon baliwalain dahil ikaw naman ang nagsimula?

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Kailangan na ba kitang tanungin?
Kailangan ko na bang magtaka?
O mananahimik nalang ako at pababayaan kita?

Alin ba?
Ano ba talaga?

Ano ba ang dapat kong gawin upang ito'y aking maisalba?
Maisalba ang naghihingalong relasyon nating dalawa?
Parang isang barko na unti-unting lumulubog.
Para bang kaunting tulak nalang, parehas na tayong mauuntog.

Mauuntog at magigising mula sa isang napaka-gandang panaginip.
Panaginip na nais ko pa sanang masagip.
Ayoko. Ayoko pang gumising sa realidad na ubod ng pait.
Sapagkat hindi ko kayang makita kang sa iba na kumakapit.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Gusto kong tumigil sa pagtakbo ang panahon.
Gusto kong maayos ito ngayon.
Hindi ko pwedeng hintayin ang susunod na araw.
Sapagkat ako'y natatakot na baka bukas, tuluyan ka nang bumitaw.

Sinong nag-akala na sa isang pitik lang, nagbago ang lahat.
Sa isang iglap, mukhang napa-aga ang huling yugto ng ating aklat.
Ayoko, hindi ko maaaring hayaan na ito ang maging wakas ng ating istorya.
Wakas na kung saan, iniwanan mo ako at naghanap ng iba.

Hindi ba't nangako tayo sa isa't-isa?
Na kahit anong mangyari, walang bibitaw sa ating dalawa?
Kung kaya't gagawin ko ang lahat upang tayo'y magka-ayos.
Hindi ko hahayaan na sa isang pitik lang ng tadhana, tayo ay matatapos.

Isang pitik lamang iyon, isang napaka-liit na problema.
Problema na maaaring lumaki kapag hinintay ko pang dumating ang umaga.
Hindi, kailangan na natin itong maayos ngayon, mahal ko.
Kaya pakiusap mahal, mag-usap tayo.

Aayusin natin ito nang magkasama.
Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pa masaya.
Hindi ako lalabas ng pinto hangga't naka-simangot ka pa.
Hindi ako uuwi hangga't hindi kita napapangiti, aking sinta.

Sa isang pitik ng tadhana, nagkaroon tayo ng problema.
At sa isang pitik lang, maaari kang mawala.
Kaya mahal, hindi ako aalis dito sa aking puwesto hangga't galit ka pa.
Sisikapin kong maibalik muli sa araw na ito ang iyong ngiti at sigla.

Hindi ako lalabas hangga't hindi pa tayo magka-bati.
Hindi ko bibitawan ang iyong mga kamay hangga't hindi ka pa ngumingiti.
Yayakapin kita nang mahigpit at hindi kita papakawalan.
At hangga't hindi mo tinatanggap yung "sorry" ko, hindi kita bibitawan.

Hindi ako aalis kahit ipagtabuyan mo pa ako.
Kahit hampasin mo ko, mananatili pa din ako dito.
Kung gusto mong lumuhod ako, gagawin ko iyon sa iyong harapan.
Gagawin ko lahat ng iyong nais, maliban sa bukas nalang natin ito pag-usapan.

Sige lang, saktan mo ko hangga't gusto mo.
Sigawan mo ko at sumbatan ng kung anu-ano.
Lulunukin ko yung pride ko at patuloy na hihingi ng tawad sa iyo.
Gagawin ko ang lahat basta magka-ayos lang tayo.

Susuyuin kita, lalambingin at liligawan.
Tulad ng mga ginagawa ko sayo bago tayo naging magkasintahan.
Handa akong mabulyawan, masumbatan, at masabihan ng masasakit na salita.
Kahit mataas ang pride mo at mas matigas ka pa sa bato, susuyuin pa din kita.

Kaya mahal... Bati na tayo, oh.

Ayoko kasing nag-aaway tayo at nagtatalo.
Mahal, huwag ka nang magtampo.
Tara, bili tayo ng isaw at mga foods na gusto mo.
Huwag kang mag-alala, lahat ng iyon libre ko. ;)

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now