Trabaho

421 1 0
                                    

(*WARNING! SPG!!*)

Pinagmasdan ko ang litrato mo na nakasabit sa aking kuwarto.
Kay sarap talagang titigan ng iyong ngiti, mahal ko.
Ang iyong mga mata'y kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan.
Ah, kailan kaya kita muling masisilayan?

Araw-araw, gabi-gabi, pinagmamasdan ko ang iyong ngiti.
Ngiti na nagpipinta din ng ngiti sa aking labi.
Ngiti na hinahanap-hanap ko sa bawat araw na dumadaan.
Ngiti na nais kong ingatan at protektahan.

Naaalala mo pa ba kung kailan at paano tayo nagkakilala?
Bagong lipat ka lang noon, pero agad akong nabighani sa taglay mong karisma.
Araw-araw, gabi-gabi, palagi mo kong kinukumusta.
At doon na nga nagsimula ang istorya nating dalawa.

Naaalala mo pa ba kung paano tayo nagka-ibigan?
Palagi kasi tayong nagkakabanggan at nagkakamustahan.
Palagi nating binabati ang porma ng isa't-isa.
Hanggang sa unti-unting nabuo ang pag-iibigan sa pagitan nating dalawa.

Isang umaga, nabalitaan kong may bumibisita daw sa'yo palagi.
At sa tuwing kasama mo siya, palagi ka daw naka-ngiti.
Palagi daw kayong lumalabas tuwing Sabado.
At ang sabi-sabi, mahalaga daw siya sa buhay mo.

Kinabukasan, narinig kong may bago kang bisita.
Hindi kita sinita, dahil mukha namang kilala mo siya.
Labis lamang akong nalungkot, dahil hindi mo na ko nagawang kausapin.
Sa kanya lamang nakatuon ang iyong atensyon, ni wala man lang natira para sakin.

Dumating ang araw ng Sabado, subalit nanatili ka sa iyong kuwarto.
Gusto kong malaman kung anong problema mo.
Subalit... Dinaanan, nilagpasan, dinedma mo lang ako.
Inintindi nalang kita kahit nadudurog na ang aking puso.

Dumating ang araw ng Lunes, may bagong kang bisita.
Ang lungkot, sakit, at paghihinagpis sa iyong boses ay aking nadama.
Kitang-kita ko kung paano tumulo ang iyong mga luha.
Bakit damang-dama ko ang iyong labis na pangungulila?

Kinagabihan, ika'y aking nilapitan.
Dahan-dahang humakbang at unti-unti kang piniringan.
Nakita ko kung paano ka nabigla at akmang tatayo sana.
Subalit, ika'y aking binulungan upang ikaw ay mapakalma.

Ngunit...

Agad napalitan ng pagtataka ang tuwa na aking nadadama.
Sapagkat, hindi ko mawari kung bakit ka lumuluha.
Ah! Alam ko na! "Tears of joy", ang tawag dyan sa Ingles, hindi ba?
Paano ko nalaman? Parehas kasi tayo ng librong binabasa.

Wag kang mag-alala, mahal ko, saglit lamang ito.
Nandito lang ako, hindi ako mawawala sa tabi mo.
Maniwala ka, mahal ko, isa itong sorpresa.
Sorpresa na tiyak magugustuhan mo nang sobra sobra!

Marahan kitang inalalayan papalabas sa iyong kuwarto.
Sabik na kong makita mo ang sorpresa ko para sayo.
Dahan-dahan, unti-unti, tinanggal ko ang piring sayong mga mata.
Bakas ang pagka-bigla sa iyong mukha.

Batid kong hindi mo inaasahan na sosorpresahin kita.
Unti-unting nanlaki ang iyong mga mata, para bang hindi makapaniwala.
Subalit hindi ka nagsasalita, kaya labis akong nagtaka.
Mas lalo akong nagtaka nang tumulo bigla ang iyong mga luha.

Mahal... Hindi mo ba nagustuhan?
Hindi mo ba na-ibigan?
Ilang araw ko rin yan pinaghandaan at pinaglaanan ng oras.
Para lang masilayan ang iyong ngiti sa mga labi mong kasing-pula ng mansanas.

Magkakasama tayo dito ngayon sa aking hapagkainan.
Ikaw, ako, at ang tatlo mong mga kaibigan.
Tignan mo, lahat sila may mga ngiti sa mukha.
Halatang-halata na nasisiyahan sila... Pero bakit ka lumuluha?

Nababalot ba ng tuwa at galak ang iyong isip at puso?
Kaya ba umiiyak ka ngayon, mahal ko?
Wag kang mag-alala, tutulungan kita.
Huwag gumalaw masyado, kailangan mong kumalma.

At sa wakas... Nasilayan ko nang muli ang iyong ngiti.
Hindi ko na rin nadadama sayo ang lungkot at pighati.
Batid kong maayos na ang lagay mo.
Hindi ba't sinabi ko na tutulungan kita, mahal ko?

Marami akong nai-kuwento sayo, ngunit nanati kang nakangiti.
Ayos lamang yan kaysa yung umiiyak ka palagi.
At di rin nagtagal, hindi ko na magawang pigilan.
Sa kagustuhan kong ika'y hawakan, ako'y iyong pinagbigyan.

Masasabi kong naging masaya ang aking gabi, irog ko.
Dahil batid kong napasaya din kita nang husto.
Agad ko kayong hinatid ng mga kaibigan mo sa iyong kuwarto.
Sapagkat alam kong pagod na pagod na kayo.

Kinabukasan agad akong nabulabog.
Isang sigaw ng kapitbahay ang gumambala sa aking pag-tulog.
Agad-agad akong bumangon upang makapag-almusal muna.
At habang kumakain, nanood ako ng balita.

Isang kapapasok lamang na balita ang bumungad sa akin.
At ayon dito, may nangyari daw na krimen sa harap ng bahay namin.
Apat na indibidwal ang natagpuan, naliligo sa kanilang mga dugo.
At ayon sa mga pulis, ginuhitan sila ng ngiti gamit ang kutsilyo.

Isa sa mga biktima'y may malaking pagkakahawig sayo.
Imposibleng ikaw yun, dahil nandito ka sa aking kuwarto.
Ayon sa balita, ang biktima na ito'y ginahasa't ninakawan ng utak at puso.
Agad akong napailing, sino naman kaya ang gagawa ng bagay na ito?

Agad akong tumayo, pinagmasdan ko ang iyong mga litrato.
May tiwala ako sayo dahil minamahal kita nang buong puso.
Ako lamang ang itinitibok ng iyong puso, hindi ba?
Diba ang laman ng iyong utak, ay ako lang at walang iba?

Ayon sa mga saksi, wala daw silang napansin na kakaiba.
Dahil alam daw nilang magkakaibigan ang mga biktima.
Kung kaya't ayon sa pulisya, marahil ay hindi nila kakilala ang tumapos sa buhay nila.
Hindi ko na rin maiwasang makaramdam ng kaunting awa.

Nilingon ko ang iyong litrato at pinagmasdan ko ito.
Nakakapagtaka lang dahil may pintura ito.
Pinturang mapula tulad ng mga labi mo.
Pero parang mas mapula pa ito... Parang tunay na dugo.

Muntik ko nang malimot, may trabaho pa pala ako.
Alam mo bang hindi pa ko nasisisante at matagal na ko dito?
Hindi nila ako matanggal dahil sa katangian na aking sinisikreto.
MALINIS AT MABILIS KASI AKONG TUMAPOS NG KAHIT NA ANONG TRABAHO. ;)

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Where stories live. Discover now