(Requested)
Mayroon akong iku-kuwento, pakinggan mo sana ito.
Ito ay isang kuwento na pamilyar sa iyo.
Alam kong alam mong ikaw ang tinutukoy ko dito.
Kaya sisimulan ko ang kuwento sa araw na nagkakilala tayo.Magi-isang linggo na simula nung lumipas ang araw ng pasukan.
At hindi ko inaasahang magiging tulay ang aking kaibigan sa ating pagkakakilanlan.
Naaalala ko pa kung paano ka ngumiti habang ika'y nagpapakilala.
At hindi ko na napagilan ang mapatulala.Magmula sa araw na iyon, nagsimula na tayong mag-usap.
Tungkol sa lahat ng mga bagay pati ang ating mga pangarap.
Sa paglipas ng mga araw, mayroon akong naramdaman.
Sa loob ng ilang araw, nahulog na pala ako sayo nang hindi ko namamalayan.Para akong nasa alapaap sa tuwing naiisip kita.
At kapag nakikita kita, hindi ko mapigilan ang ngiti na gumuguhit sa aking mukha.
Ngiti na nagpapahiwatig kung gaano kita ka-gusto.
Ngiti na nagpapahiwatig na SANA ganun din ang nararamdaman mo.Subalit, tila naging mabait sa akin si tadhana.
Pinagbigyan ang hiling na sana ganun din ang iyong nadadama.
Di ko inaasahang aamin kang mahal mo rin ako.
Mas lalong hindi ko inaasahan na ako'y liligawan mo.Isang linggo. Isang linggo ang tinagal ng panliligaw mo.
Isang linggo ngunit bakit parang ako rin ang nanliligaw sayo?
Isang linggo ang lumipas bago ako bumigay sa nadadama ko.
Isang linggong pagtitiis bago mo nakuha ang aking matamis na "oo".Isang buwan. Sa loob ng isang buwan, magkahalong saya at takot ang aking naramdaman.
Isang buwan na puno ng ligaya at lambingan.
Isang buwan na nagpalalim ng pagmamahal ko sayo.
Isang buwan na nagparamdam sakin ng kahulugan ng pagseselos sa mga nakakasalimuha mo.Alam kong pala-kaibigan ka, mahal ko.
Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit pati ang ibang mga babae'y kinakaibigan mo?
Kailangan ba talagang makipag-halubilo ka sa kanila?
Hindi pa ba sapat ang aking presensya at atensyon na ibinibigay para lamang sayo, aking sinta?Sinusunod ko lahat ng inuutos at kagustuhan mo.
Kaya bakit hindi mo magawang makinig sa boses ko?
Bakit hindi mo maintindihan kung gaano kasakit ang makitang masaya ka sa kanila?
Mahal, kahit kailan ba ang pagseselos ay hindi mo pa nadama?Masakit man sa damdamin, pinili ko pa ring tiisin.
Sa takot na baka pag sinita pa kita'y tuluyan ka nang mawala sakin.
Ngunit sadyang mahirap talagang pigilan ang selos, mahal ko.
Kung kaya't sa ating pag-aaway, nagkakalabuan na tayo.Nakaramdam ako ng takot at pangamba.
Dahil nakikita ko na nagkaka-mabutihan na kayong dalawa.
Ngunit kahit napaka-sakit, nanatili akong tahimik.
Kahit tinatadtad na ng kutsilyo ang aking puso, nanatili akong walang imik.Napaka-galing, hindi ba mahal ko?
Ang galing, galing dahil TATLO tayo.
Parang TRICYCLE na may tatlong gulong na paikot-ikot.
Ang pinagkaiba nga lang, puso ko lang ang nakakaramdam ng kirot.Sana tulad ng TRICYCLE, makita mo ang halaga ko sa buhay mo.
Dahil hindi gagana ang tricycle kapag nawala ang isa sa mga gulong nito.
Ngunit, alam ko naman na magagawan mo yan ng paraan.
Dahil meron namang motorsiklo na dalawa lang ang gulong na kailangan.Bakit parang ako pa yata ang naging saling-pusa?
Bakit parang ako pa ang naging kontrabida?
Bakit parang ayaw mong nasisita?
Bakit hindi mo magawang umiwas sa kanila?Hanggang sa dumating ang araw na ako'y napagod na.
Napagod ako, hindi sayo, kundi dahil sa ugaling ipinapakita mo.
Di nagtagal at sumuko ka na rin dahil ang alam ng iba'y wala nang tayo.
Ngunit kahit na ganun, ikaw pa rin ang itinitibok ng aking puso.Hindi ko alam kung anong meron sa numerong "isa".
Hindi ko alam kung may dala ba itong sumpa.
Nang dahil sa "isa", nakaramdam ako ng kakaibang saya.
Ngunit, nang dahil rin sa "isa", naramdaman ko ang kakambal nitong pagdurusa.Magi-isang buwan na magmula nung napagod ako at sumuko ka.
Mali ba kung sasabihin kong gusto kong bumalik sayo, sinta?
Gusto kong bumalik ngunit may takot at lungkot akong nadadama.
Takot at lungkot na wala na kong babalikan pa.
YOU ARE READING
Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)
Poetry(Link for the second part: https://my.w.tt/EzRmKfqXxY) (Cover photo made by: Laguindab6) Lahat ng tulang nandito, ay sarili kong likha. Kaya sana wag niyong kopyahin o gayahin sa anumang paraan. Plagiarism is a crime. Para ka na ring magnanakaw. La...